Mother

Permission to rant please! Naiintindihan ko naman kung bakit nagkakaganito si mama pero ayokong magalit or mainis sa kanya kaya lang minsan nakakastress na sya. Ganito kasi yon, yung partner ko kasal sya sa unang asawa nya at gusto ni mama maasikaso na agad agad yung annulment nila ng ex nya para makasal na daw kami. Eh hindi naman basta basta yun lalo na't hindi nakikicooperate yung ex. Hindi ko naman minamadali si partner ko, ayoko kasi siyang mapressure. Eh ang kaso itong si mama lumapit sa kakilala nya na may kamag anak sa PSA. Kaya naman daw mapadali yun pero syempre kelangan ng malaking pera. So si mama desidido talaga na i-go yun. Kaya ngayon naiirita na ang partner ko kasi pinapangunahan siya ni mama. Tapos kung itutuloy namin yun ng hindi alam nung ex, baka dumating yung time na mas lalong lumaki yung problema. Gustung gusto kong sabihin kay mama na mali na nga yung ginawa namin na naging kami at magkakaanak na habang may sabit pa ang partner ko tapos ang gusto nyang solusyon ay mali din. Pano na kami nyan? Lalo lang magkakagulo ang lahat.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Oo momsh baka mai demanda pa kayo ng partner mu.... I explain mu na lang muna sa mama mu para hopefully maunawaan nya na hindi yun ganun kadali.

5y ago

Yes momsh lalo ganyan na hindi sya nakikipag cooperate :(