Tama bang makialam ang in laws kay baby?

Nakikitira kami sa in laws ko. Mabait sila, maayos ang pakikisama simula ng pagbubuntis ko. Pero simula nung mailabas ko si baby hindi ko mapigilan ang mainis lalo na kapag nakikialam sila pagdating sa baby ko. Marinig lang kasi nilang umiyak si baby mapa palahaw man o konting ingit lang sasabihin na agad na wag ng galitin, padedehin na agad sa bottle dahil kulang daw gatas ko tapos yung biyenan kong lalaki tatawagin pa si nanay para sya ang magpatahan sa anak ko eh inaalagaan ko na at hinehele. Dahil gabi-gabi umiiyak si baby, gabi-gabi din kung magsabi si tatay (tatay ng partner ko) ng timplahan agad ng bote dahil gutom daw kahit sinusuka na ni baby. Alam kong concern lang sila pero hindi ko mapigilan na mainis talaga lalo na kapag ganoon ang senaryo. Wala pa akong trabaho dahil nabuntis ako ng partner ko kasabay ng pag graduate ko ng college kaya naman gumagastos din si nanay kay baby. Tama bang mainis ako sa tuwing nakikialam sila lalo na kapag ang biyenan mong lalaki ay bilin ng bilin na parang hindi ko alam ang gagawin ko sa anak ko? Minsan din kontra pa sila dahil nga sa mga pamahiin na hindi naman pinapayo ng pedia ni baby.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

parang nakakarelate ako sayo mi.. sana paglabas ng baby no 2 ko di gnyan mangyari sa inlaws ko ung byenan kong babae wlang problema tahimik lng ung inlaws ko na lalaki ang medyo maligalig mahilig din mangialam naranasan ko dito ngyon sa panganay kong anak sobrang selan halos lahat nlng nakikita πŸ˜… ang hirap makisama lalo na pag gnyan sana soon makabukod na tyo hirap din kmi ngaun at mahirap ang buhay sakto lng kinikita ng partner ko πŸ˜… kapit lang mi wla din tyo magagawa kundi maki sama hehe

Magbasa pa
2y ago

Kaya nga mi, same situation tayo biyenan ko ding lalaki sobra kung magligalig lahat na lang mapansin, walang araw na hindi sya magbibigay ng bilin na parang wala kang alam. One time din dahil basa nga si baby, pinalitan ko kasi ayaw ko matuyuan biglang umiyak ng umiyak tapos parang ako pa sinisi ng biyenan kong babae na dapat daw hindi ko na pinalitan kung tutuusin kasalanan naman nya dahil nakielam sya sa pagpapalit ayon wala pang ilang minuto basa agad dahil di maayos diaper. Sana nga soon mi maka bukod na tayo .