Tama bang makialam ang in laws kay baby?

Nakikitira kami sa in laws ko. Mabait sila, maayos ang pakikisama simula ng pagbubuntis ko. Pero simula nung mailabas ko si baby hindi ko mapigilan ang mainis lalo na kapag nakikialam sila pagdating sa baby ko. Marinig lang kasi nilang umiyak si baby mapa palahaw man o konting ingit lang sasabihin na agad na wag ng galitin, padedehin na agad sa bottle dahil kulang daw gatas ko tapos yung biyenan kong lalaki tatawagin pa si nanay para sya ang magpatahan sa anak ko eh inaalagaan ko na at hinehele. Dahil gabi-gabi umiiyak si baby, gabi-gabi din kung magsabi si tatay (tatay ng partner ko) ng timplahan agad ng bote dahil gutom daw kahit sinusuka na ni baby. Alam kong concern lang sila pero hindi ko mapigilan na mainis talaga lalo na kapag ganoon ang senaryo. Wala pa akong trabaho dahil nabuntis ako ng partner ko kasabay ng pag graduate ko ng college kaya naman gumagastos din si nanay kay baby. Tama bang mainis ako sa tuwing nakikialam sila lalo na kapag ang biyenan mong lalaki ay bilin ng bilin na parang hindi ko alam ang gagawin ko sa anak ko? Minsan din kontra pa sila dahil nga sa mga pamahiin na hindi naman pinapayo ng pedia ni baby.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dipa ko maka relate sayo mi, pero feeling ko pag nanganak nako nasa ganyan sitwasyon na din ako. Dito kasi kami sa in laws ko, tho married na kami. Start kasi mabuntis ako medyo nakikialam na din talaga. At halos buong pag bubuntis ko na stress lang ako dito, medyo nakakapang sisi pero andito na kasi kami. Planning next year na bumukod kasi knows kona agad magaganap pag dto na baby ko, kahit dipa nangyayari.

Magbasa pa
2y ago

Nung nagbubuntis wala naman akong problema sis pero nung hindi pa ako nanganganak kahit malapit na due date ko, nakita ko na parang naiinis na sila kasi bakit hindi pa daw ako nanganganak, pressure nila ang ate mo. Tapos sinasabi pa nila sa partner ko na parang ang tamad ko pa daw lagi lang akong nakaupo eh hindi naman nila nakikita na ginagawa ko na lahat para lang hindi ma over due si baby, halos umaga gumigising na ako para maglakad lakad, nag i squat saka hindi ko naman kasalanan na ayaw pa ni baby lumabas noon. Pero sa awa ng Diyos same due date lumabas baby ko at normal delivery ako. Sana kami rin makabukod.