Tama bang makialam ang in laws kay baby?

Nakikitira kami sa in laws ko. Mabait sila, maayos ang pakikisama simula ng pagbubuntis ko. Pero simula nung mailabas ko si baby hindi ko mapigilan ang mainis lalo na kapag nakikialam sila pagdating sa baby ko. Marinig lang kasi nilang umiyak si baby mapa palahaw man o konting ingit lang sasabihin na agad na wag ng galitin, padedehin na agad sa bottle dahil kulang daw gatas ko tapos yung biyenan kong lalaki tatawagin pa si nanay para sya ang magpatahan sa anak ko eh inaalagaan ko na at hinehele. Dahil gabi-gabi umiiyak si baby, gabi-gabi din kung magsabi si tatay (tatay ng partner ko) ng timplahan agad ng bote dahil gutom daw kahit sinusuka na ni baby. Alam kong concern lang sila pero hindi ko mapigilan na mainis talaga lalo na kapag ganoon ang senaryo. Wala pa akong trabaho dahil nabuntis ako ng partner ko kasabay ng pag graduate ko ng college kaya naman gumagastos din si nanay kay baby. Tama bang mainis ako sa tuwing nakikialam sila lalo na kapag ang biyenan mong lalaki ay bilin ng bilin na parang hindi ko alam ang gagawin ko sa anak ko? Minsan din kontra pa sila dahil nga sa mga pamahiin na hindi naman pinapayo ng pedia ni baby.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same ng byenan kong babae 😅 ganyan na ganyan un padedehin mo kahit busog na busog na porket nagiiyak gusto pa agad agad. Ang dami pang pamahiin kesyo dapat ganyan, bawal ganyan .. pati sa pagpapaaraw nangengelam! sasabihin pa walang alam yan pedia nyo .. tapos maririnig ko pa nagkkwento "walang alam sa pagaalaga pano walang nagtuturo" "hindi naman nakikinig yan asawa mo".. well hindi nya ko matitinag - pasok sa kanan tenga labas sa kaliwa lang ang peg ko. tango tango.. sasangayon kunwari but deep down "bahala ka jan magsalita" Sabihan mo ang asawa mo mima na kausapin ang parents nya .. ipa intindi nya na iba un panahon noon, sa panahon ngayon .. na mas pinagaralan na. Tapos sabihan mo din si partner mo magipon para makabukod na kayo. Or kung okay ka naman sa parents mo doon kna muna - kasi mas lalo ka masstress kung iaabsorb mo lahat ng sasabihin sayo ng byenan mo ..

Magbasa pa