Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Queen of 1 rambunctious little heart throb
MatBen Rejected
Mga Mi, may nakaexp po ba sa inyo mareject ang MatBen? Isang file lang kasi pwede iattach online, pinagsasubmit ako ng Affidavit of Undertaking Form. kapag inattach ko yung Cert of Live Birth, hindi na malagay yung Affidavit. ano po ginawa nyo?
face and body lotion for 1month old and above
Hi mga Mommy! Mga Mi, ano po marerecommend nyong lotion for a 1month old baby? TIA! 🤗
Similac Infant 0-6mos
mga mi, sinusunod nyo po ba yung suggested milk scoop ng formula na nasa box? sa Similac 0-6 mos po 120ml water and 2 scoops of Similac. parang ang magatas po masyado tingnan. di ko naman po tinikman kung matamis. right after po uminom ng MahalNamin nagpoop po sya, medyo basa. pero di naman po mukhang diarrhea dahil once lang sya nagpoop, nung pagdede lang po nya ng formula. ganun din po ba baby nyo? EBF po kami, magmixed feeding po kami for a week.
breastmilk Jaundice
meron po ba dito nakaexp na may jaundice anak nila for more than a month? kakadischarge lang po namin para sa UV light ng baby namin. nalessen yung pagkayellow nya pero meron pa rin. 5 na vits nireseta sa kanya, mga pampagana sa pagdede, weight gain, iron. pano po gumaling anak nyo maliban sa pagpapaaraw?
for CS moms, gano katagal kayo nagbinder?
mga Mi, gano katagal bago kayo nagstop magbinder? may kakilala kasi ako wala pang 1month after nya manganak di na sya nagbbinder at parang nakakakilos na sya ng normal. Ako kasi mag1month palang pero parang penguin pa rin maglakad. nihindi ko halos matuwid likod ko kasi feeling ko mababanat yung tahi ko kapag umunat katawan ko. iba iba yung recovery pero for sure sariwa pa yung suture ng sa kakilala ko dahil wala pa din syang 1month nung nagstop sya magbinder or mali lang ako ng intindi sa purpose neto. feeling ko kasi nakakatulong magdikit yung skin kapag nakabinder. mali po ba?
bad weather
ang hirap ng panahon ngayon, hindi mapaarawan ang mga babies😫 last day na ng phototherapy ni LO namin bukas. sana naman bumuti na ang panahon. medyo yellowish pa si LO but good thing is negative mga lab test nya sa mga infections or illnesses. wag daw kami mabahala dahil nangyayari daw po talaga ang ganito sa panahon ng tagulan/bagyo at di lang naman daw po kami ang nakakaexp neto. Thank you, Lord, for keeping everyone's safe despite the bad weather.
Postpartum Belly Band
Ano po magandang postpartum belly band for CS mother? Thank you!
baby has arrive!
mga Mi! share ko lang nanganak na po ako at 37weeks! bigla nalang pumutok panubigan ko ng July 28 at 2:30am tas ininduce ako pero di tlaga ako naglabor. July 29 CS na po, stuck po kasi sa 1cm. super laki ng tiyan ko, halos 3.5kg estimate ng OB ko nung una then sa ultrasound kahapon 2.9kg pero pagtimbang kanina nung paglabas ni baby 2.6kg lang🥰buti nalang kahit GDM di talaga sya lumaki ng husto sa loob ng tiyan ko. Thank you, Lord!
Support System
Ganun pala noh, kahit malakas support system mo may time na hindi ka pa rin magiging okay.
estimated baby's weight!
8mos palang kami pero 3.5kg na estimated weight ni baby😣 tas suhi pa. sabi ng OB namin mahhirapan na daw umikot si baby dahil sa laki nya 😰 sana di na kami maggain pa ng weight and makaposition pa si baby. as much as possible we would like normal delivery. but if CS is necessary, it's for the sake of our baby. safe and healthy delivery is our priority.