Tama bang makialam ang in laws kay baby?

Nakikitira kami sa in laws ko. Mabait sila, maayos ang pakikisama simula ng pagbubuntis ko. Pero simula nung mailabas ko si baby hindi ko mapigilan ang mainis lalo na kapag nakikialam sila pagdating sa baby ko. Marinig lang kasi nilang umiyak si baby mapa palahaw man o konting ingit lang sasabihin na agad na wag ng galitin, padedehin na agad sa bottle dahil kulang daw gatas ko tapos yung biyenan kong lalaki tatawagin pa si nanay para sya ang magpatahan sa anak ko eh inaalagaan ko na at hinehele. Dahil gabi-gabi umiiyak si baby, gabi-gabi din kung magsabi si tatay (tatay ng partner ko) ng timplahan agad ng bote dahil gutom daw kahit sinusuka na ni baby. Alam kong concern lang sila pero hindi ko mapigilan na mainis talaga lalo na kapag ganoon ang senaryo. Wala pa akong trabaho dahil nabuntis ako ng partner ko kasabay ng pag graduate ko ng college kaya naman gumagastos din si nanay kay baby. Tama bang mainis ako sa tuwing nakikialam sila lalo na kapag ang biyenan mong lalaki ay bilin ng bilin na parang hindi ko alam ang gagawin ko sa anak ko? Minsan din kontra pa sila dahil nga sa mga pamahiin na hindi naman pinapayo ng pedia ni baby.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hanggat jan kayo nakatira sa inlaws mo no choice ka. kung ano gsto nila un ang dpt mong gawin. kung gsto mo bumukod kayu para desisyon mo lahat. hirap tlaga makisama lalo na kung panay pamahiin pa kung dimo sinunod ikaw pa masama. iba iba ugali ng inlaws swertehan nlng tlaga. i dont think na concern sila sa iyak ng baby. ayaw lng siguro nila makarinig ng iyak kaya panay padede gsto nila kahit na di naman nagugutom ang baby.

Magbasa pa