Nakakapagod pala

Nakakapagod pala kapag nanganak na. Mas mahirap kesa nung bago palang na nagbubuntis. Mas nakakapagod kasi wala kaming kasama ni hubby simula sa hospital hanggang paguwi ng bahay. Kami lang 2. Since first baby namin, nangangapa kami pareho. At walang tumutulong samen. Dagdag pa na CS ako kasi muntik na maubusan ng tubig sa tyan si baby. Masaya ako at nakapunta kuya ko at hipag ko nung nakaraang araw para turuan kami panu alagaan si baby as a newborn. Marami rin sila dalang prutas para makarecover ako kaagad. Kaso dahil malayo sila, saglit lang sila at di ko pa alam kelan sila makakabalik. Mga in laws ko naman, pupunta lang sa bahay para makita si baby at magsasabi ng kung anu anu at ikocompare si baby at ako sa ibang bata at nanay na nanganak. Actually, di nakakatulong, kung minsan ayoko na sila papuntahin sa bahay kaso kapitbahay lang sila kaya mabilis makapunta. Mag 2 weeks palang since nanganak ako, pero grabe na anxiety ko. Meron akong baby blues ngaun. I need encouragement momshies out there. I need support. Ayokong mapunta ito sa post partum depression. #advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mamsh! same situation tayo before. emergency cs din ako kasi bumababa na heart rate ni baby. kami lang din dalawa ni hubby nag aasikaso kay baby non. kahit may kasama kami dito sa bahay, kami lang nag aalaga. buti na lang may background ako sa pag aalaga ng bata kasi ako nag alaga sa kapatid ko nung baby pa siya kaya alam ko kung pano mag diaper pero the rest, hindi ko na alam. sa una kapa kapa, pero eventually, masasanay ka din. mahirap talaga yung 1st month niyan tapos puyatan pa. yung tipong di ka na makaligo ng maayos. di makakain. tapos dagdag pa non yung stress ko kasi di ko ma breastfeed baby ko. no choice kundi iformula ko siya. grabe din yung 1-2nd week ko nung nanganak ako. iyak ako nang iyak. sobrang sensitive ko. hindi ako kakain hangga't di ako binibilhan ni hubby. may times na di nakakapag work si hubby kasi inaatake ako ng postpartum. you can't avoid it eh. kailangan mo lang ng support ni hubby dyan. hanggang ngayon na 2yrs. old na baby ko, may times na inaatake pa rin ako pero nililibang ko na lang sarili ko. i watched funny videos, vlogs, kdramas, etc. di rin naman ako pinapabayaan ng asawa ko, kapag may gusto akong food bibilhan ako, from time to time tinatanong niya ko lagi kung okay ako, pagod ako which is sobrang thankful ko. but most importantly, magpray. if nafifeel mong hindi mo kaya, wala kang malapitan, walang makausap, just pray. cry if you want. ganon talaga buhay eh. kaya mo yan mamsh. pag lumaki na si baby mo, mamimiss mo yung mga moments na maliit pa siya. na parang kailan lang kakapanganak mo palang sa kanya pero anlaki niya na agad. pag feel mo din na napapagod ka or nasstress, just look at your baby. mapapawi lahat yan. laban lang mamsh. kaya mo yan ❤️

Magbasa pa
2y ago

pag-usapan niyo po 🙂 i'm sure maiintindihan ka naman niya. mas okay din kasing matutukan mo si baby though medyo mahirap lang talaga kasi ikaw lahat gagawa but at the end of the day, masarap sa feeling lalo pag nakikita mo naman si baby. parang gumagaan lahat ☺️

VIP Member

Hello mommy. same tayo, na emergency CS ako. the same time nag positive kame ng asawa ko sa Covid. kaya 9 days namen di nakasama si baby. Pag balik ko ang laking adjustment din saken, tapos ayaw na saken dumede ng baby ko gawa ng nasanay sya sa bote. Tama ka mas nakakapagod at nakakastress pag nanganak na. Ma advise ko lang, Kalma ka lang po. Teamwork kayo dapat lagi ng asawa mo, kung pagod ka na mag sabi ka sa kanya kung anong pwede nyang maitulong kasi minsan di rin nila alam kung ano pwede nyang itulong sayo. Maging Vocal ka talaga kay partner mo po. Yung mga pinag sasabi ng mga in laws mo wag papansinin. Ganyan talaga yang mga yan hahaha Madami pang unsolicited opinions kang makukuha sa ibang tao na di naman talaga nakakatulong. Wag mo na sila pansinin. Wag mo i absorb mga pinagsasabi nila. Tsaka lagi din kumain at kung kaya magpahinga po talaga. medyo matagal kasi talaga recovery pag CS.

Magbasa pa
2y ago

Thank you momsh, yup, deadma ko nalang mga sinasabi nila ngaun.

Hi mamsh, hayaan mo nalang sila. Ako nga 24/7 ako lang nagbabantay sa baby ko. Kakapanganak ko lang po 2 weeks ago, wala akong kasama sa bahay kami lang ni baby. Wala nadin kasi akong mga magulang, yung mga kapatid ko may kanya kanya nading pamilya, minsan naiiyak nalang ako kapag ngpapa dede kay baby, minsan naman kapag kumakain ako mag’isa kapag gabe. Nakakapagod sobra, naiisip ko nalang minsan bakit pa ako nabuntis? Sana naghintay nalang muna kami sa tamang panahon, pero kapag tumititig ako kay baby nawawala lahat nag pagod ko. Kasi minsan di ko na din alam ano gagawin ko kapag di ko mapatahan anak ko. Lagi nalang ako nagdarasal na sana malagpasan ko ang lahat ng lungkot at anxiety ko. Laban lang po tayo! 😌

Magbasa pa
2y ago

Huuuugs momshieee. Kaya natin to, ako sa Monday pa mag 2wks si baby. Normal delivery ka po ba? Ako kasi cs, pero buti nalang kasama ko si hubby, kasi if wala, baka nung 1st week palang nag give up na ako. Actually, naiisip ko rin minsan na bakit ba kami nag anak ni hubby. Masaya namin kami na kaming 2 lang. Tinanong ko nga siya nito, sabi nia, si baby daw kasi fulfillment ng relationship namin. And gusto nia raw tlga magkaanak kaya isusupport nia ako no matter what. Kaya ayun, mejo lumakas lakas na rin loob ko. Dagdag pa ng mga advices dito na nakakapositive tlga. Thank you momsh, stay strong satin.

Been there. Sobrng challenging ang pagging first time mom. Yung naiiyak ka na lng sa pagod at puyat kase ikaw lang nag aalaga ky baby. Buti ka nga andyan si hubby mo to support & help you. Yung father ng baby ko immature at di natulong kay baby. Sabayan mo lang si baby pg tulog tas bili kang baby carrier para if ever while doing household chores, you still carrying your baby. Oh dba multitasking? Mahirap pero masarap tingnan mo na lang lagi face ni baby pra gumaan loob mot maging strong ka. Lam mo pag naging toddler na si baby, super mammiss mo yang pagging baby nya. Kaya yan! Take ka din vitamins panlaban sa pagod at puyat. God bless to you.

Magbasa pa
2y ago

Thanks momsh, yup, di po ako nagalaw masyado dito sa bahay. Plano ko rin magbaby carrier kapag mejo malaki laki na si baby at pag mejo gumaling na ako. Uu, sobrang handson ni hubby, kaya minsan nahihiya akong mag-emote kasi ang strong nia 😢😅

Laban lang mie . , 😊 1month&18days palang kami ni baby at 24yrsold Ako . katapos ko lang pagdaanan yung feeling na ganyan . Mas okay pa nga sayo kase may mga dumadalaw pa sayong mga kamag anak mo . ako wala talaga . Malayo sa kamag anak . As in kaming dalawa lang ng partner ko. ang hirap lalo na nung unang week namin .Nanibago ako to the point na nagsisisi ako sa mga ngyare . until now naman nahihirapan paden lalo na ako lang nag aalaga sa baby ko pag my work si boyfriend Tas iyakin si baby. Pero ngayun naeenjoy ko na pag aalaga sa baby ko ng walang pinagsisisihan . Laban lang Mie .malalampasan mo din yan . 🙏

Magbasa pa

just do what you knows best for you and your family specially sa baby mo.ignore mo lahat ng sasabihin sayo,lalo na at alam mo namang walang maitutulong na mabuti sayo.Aralin mo maging strong mother..pag may di alam wala masamang magseek help..pero dun sa taong alam mong tuturuan ka without any judgement and comparison..Go mamsh..Kaya mo yan..I've been there.ngayon kahit 1 kuda wla masabi skn inlaws ko..if meron man natututo ako lumaban.kasi ayko sa lahat ung ikokompara ako at anak ko na wala naman clang kahit na anong ambag nung pinalaki ko to😅.laban lang☺️

Magbasa pa
2y ago

Thanks ulit momsh 😍

mommy wag ka po pkastress sa mga in laws mo..mag seach ka sa youtube qong how ba ung mga bagay n di mo alam sa mga frnds mo sa fb chat mo sila mag ask ka sa knila sa mga bagy n di mo alam madami mommy paraan di mo kilangan maparanoid ...ako gnyan din ako nung una..kuta ka nga eh ksama mo lge asawa mo yata eh ako every saturday lng nauwi asawa q nung bgo ako kapapanganak first baby ko din khit mahirap tlgang kakayanin mo..wag mong ilubog sa mga isipin at worry mo po ung sarili mo imbes mag isip ka po ng worry try mo po ang isipin is sulosyon sa mga pinag woworry mo...

Magbasa pa
2y ago

Thank you momsh sa advice. Bawat nanay iba iba lang ng pinagdaanan pero pare parehong mahirap. Yup, si baby po pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob ngaun at si hubby. Nakikita ko na nagpapaka strong si hubby kaya nakakahiya naman sa kanya if ako ung susuko or magpapabigat pa sa kanya 😊

Normal delivery po ako mi, kasama ko lang kasi partner ko kapag tanghali kasi may trabaho siya. Nasa complicated relationshio din po kasi kami kaya parang dagdag nadin sa stress ko yung relationship namin. Pro, di ko na muna iniisip yun kasi lalo akong nahihirapan kapag iniisip ko pa yun. Napaka hirap talaga kapag mag isa kalang, minsan di na makaluto, di na makaligo, di na makakain nang maayos kasi panay iyak naman si baby 😢 Pero kahit ganon, lumalaban pa din po ako. Ng ppray at sana e guide ako ni Lord at ng parents ko! 😢

Magbasa pa

Wag ka magpaka stress momsh, kaya mo yan.. be strong sa baby mo anjan naman po si hubby mo na sa tabi mo. Mas magiging strong ka kapag nalampsan mo yan, mag search ka sa youtube pero wag masyado babad sa gadget baka mabinat ka po. Pede ka humingi ng advises pero sa mga taong alam mo na concern din sayo. Kung may mga pamahiin na magsasabi na kesyo bawal ganito ganire eh wag maniwala po ha. Keep praying din po para sa guidance ni Lord.

Magbasa pa
2y ago

Thank you momsh. Yup, sa youtube din ako natututo ng ibang ideas sa pagaalaga ng newborn. May times lang tlga na di ako makatulog kahit pinipilit ko magpahinga

Wag ka masyado mag-isip.Divert mo yung utak mo sa ibang bagay yung makakapag-pasaya sayo…Ako nga nanganak mag-isa lang sa hospital,di nakasama hubby ko dahil biglaan panganganak ko,and masama pa is nagpositive ako sa covid,asymptomatic pero kinaya ko kase iniisip ko is yung baby ko.Then nagpatong patong din yung pagsubok,mag-pray ka lang din and titigan mo anak mo isipin mo lang sya lalakas ka💪

Magbasa pa