Nakakapagod pala

Nakakapagod pala kapag nanganak na. Mas mahirap kesa nung bago palang na nagbubuntis. Mas nakakapagod kasi wala kaming kasama ni hubby simula sa hospital hanggang paguwi ng bahay. Kami lang 2. Since first baby namin, nangangapa kami pareho. At walang tumutulong samen. Dagdag pa na CS ako kasi muntik na maubusan ng tubig sa tyan si baby. Masaya ako at nakapunta kuya ko at hipag ko nung nakaraang araw para turuan kami panu alagaan si baby as a newborn. Marami rin sila dalang prutas para makarecover ako kaagad. Kaso dahil malayo sila, saglit lang sila at di ko pa alam kelan sila makakabalik. Mga in laws ko naman, pupunta lang sa bahay para makita si baby at magsasabi ng kung anu anu at ikocompare si baby at ako sa ibang bata at nanay na nanganak. Actually, di nakakatulong, kung minsan ayoko na sila papuntahin sa bahay kaso kapitbahay lang sila kaya mabilis makapunta. Mag 2 weeks palang since nanganak ako, pero grabe na anxiety ko. Meron akong baby blues ngaun. I need encouragement momshies out there. I need support. Ayokong mapunta ito sa post partum depression. #advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

just do what you knows best for you and your family specially sa baby mo.ignore mo lahat ng sasabihin sayo,lalo na at alam mo namang walang maitutulong na mabuti sayo.Aralin mo maging strong mother..pag may di alam wala masamang magseek help..pero dun sa taong alam mong tuturuan ka without any judgement and comparison..Go mamsh..Kaya mo yan..I've been there.ngayon kahit 1 kuda wla masabi skn inlaws ko..if meron man natututo ako lumaban.kasi ayko sa lahat ung ikokompara ako at anak ko na wala naman clang kahit na anong ambag nung pinalaki ko to😅.laban lang☺️

Magbasa pa
3y ago

Thanks ulit momsh 😍