Nakakapagod pala

Nakakapagod pala kapag nanganak na. Mas mahirap kesa nung bago palang na nagbubuntis. Mas nakakapagod kasi wala kaming kasama ni hubby simula sa hospital hanggang paguwi ng bahay. Kami lang 2. Since first baby namin, nangangapa kami pareho. At walang tumutulong samen. Dagdag pa na CS ako kasi muntik na maubusan ng tubig sa tyan si baby. Masaya ako at nakapunta kuya ko at hipag ko nung nakaraang araw para turuan kami panu alagaan si baby as a newborn. Marami rin sila dalang prutas para makarecover ako kaagad. Kaso dahil malayo sila, saglit lang sila at di ko pa alam kelan sila makakabalik. Mga in laws ko naman, pupunta lang sa bahay para makita si baby at magsasabi ng kung anu anu at ikocompare si baby at ako sa ibang bata at nanay na nanganak. Actually, di nakakatulong, kung minsan ayoko na sila papuntahin sa bahay kaso kapitbahay lang sila kaya mabilis makapunta. Mag 2 weeks palang since nanganak ako, pero grabe na anxiety ko. Meron akong baby blues ngaun. I need encouragement momshies out there. I need support. Ayokong mapunta ito sa post partum depression. #advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag ka masyado mag-isip.Divert mo yung utak mo sa ibang bagay yung makakapag-pasaya sayo…Ako nga nanganak mag-isa lang sa hospital,di nakasama hubby ko dahil biglaan panganganak ko,and masama pa is nagpositive ako sa covid,asymptomatic pero kinaya ko kase iniisip ko is yung baby ko.Then nagpatong patong din yung pagsubok,mag-pray ka lang din and titigan mo anak mo isipin mo lang sya lalakas ka💪

Magbasa pa