Hay nako mommy ganyan din asawa ko hindi ako madalas tinutulungan. Jusko! ewan ko ba bakit ganyan sila. Dumating ako sa point na nagwawala na ako since dalawa lang kami sa apartment so ako lahat. 24/7 gising ako, puyat ako mommy araw araw ng buhay ko. Ako na ng gabi ako padin sa umaga, 2-3 hrs lang lagi tulog ko tapos ako pa nag lilinis sa bahay, siya nakakatulog after shift di ko siya ginagambala hanggang mag log in ulit sya tapos kapag day off ang gagawin nya mag jjamming. Shutaena talaga mommy, ang galing galing ko na talaga mag mura ngayon. Mapapamura ka talaga eh. Kaya ang ginagawa ko kahit naaasar ako kasi umiiyak sa kanya pinapaalaga ko talaga bahala siya sa buhay niya mag alaga ng maranasan niya tapos ako iidlip talaga ako. Nung one time na nag away kami kasi umuwi siya ng nakainom (off nya to ha) tapos sabi nya sinasaktan ko daw baby ko, na offend talaga ako, I admit sumisigaw ako pag ayaw matulog ng baby ko dahil sa sobrang frustration, puyat, gutom tska overall exhaustion from taking care of the house sa pag aalaga sa baby. Imagine kung ikaw pa nga lang 2 araw kang puyat at walang halos tulog di ka makapag focus tska makapag isip logically what more kapag 3 months kang araw araw tulog mo 2-3 hours broken pa. Kulang nalang i-dextrose ko na yung kape. ay! iniwan ko talaga siya ng 12 midnight, umuwi ako samin. Since sobrang galing nya mag alaga eh at sobra sya makapang judge sakin tignan natin kung kakayanin nya. Ayoko iwan at first baby ko kasi syempre baka pabayaan pero kasi kung di mo bibigyan ng ultimatum at taste ng kung anong nararanasan natin di nila maiisip tulungan ka. Inalagaan naman nya, hindi naman siya ganun kalasing pero nakakabadtrip lang imbes na dito lang sya sa bahay para tulingan ako at maka tulog ako ng straight 8 hours nag inom pa siya. puyat puyat siya eh, hirap na hirap siya patulugin kasi umiiyak. Bumalik ako ng tanghali. Antok na antok siya. simula nun nag kukusa na siya patulugin at talagang napapatulog niya without me even helping. siguro need mo lang bigyan ng ultimatum. hindi ibig sabihin na easy baby yang baby mo is di na sya tutulong mag alaga. Need nya mag form ng bond and connection sa baby niyo para pag wala ka atleast kaya nya patulugin, palitan ng diaper at ma sense yung need ni baby. atska para at ease sa kanya si baby
Magbasa pa