
Ganito ba tlga kapag first time mom? Lagi kasi akong kinakabahan tuwing alam ko na gigising na si baby 😅 iniisip ko palang magpalit ng diaper, bihisan at padedein siya (breastfeeding), kinakabahan ako sobra. Tumutulo pawis ko sa mukha na parang ulan. Dagdag pa na iniisip ko palagi ung tahi ko tuwing kikilos ako. CS kasi ako. 3 wks palang si baby bukas. #advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby
Read more

Nakakapagod pala kapag nanganak na. Mas mahirap kesa nung bago palang na nagbubuntis. Mas nakakapagod kasi wala kaming kasama ni hubby simula sa hospital hanggang paguwi ng bahay. Kami lang 2. Since first baby namin, nangangapa kami pareho. At walang tumutulong samen. Dagdag pa na CS ako kasi muntik na maubusan ng tubig sa tyan si baby. Masaya ako at nakapunta kuya ko at hipag ko nung nakaraang araw para turuan kami panu alagaan si baby as a newborn. Marami rin sila dalang prutas para makarecover ako kaagad. Kaso dahil malayo sila, saglit lang sila at di ko pa alam kelan sila makakabalik. Mga in laws ko naman, pupunta lang sa bahay para makita si baby at magsasabi ng kung anu anu at ikocompare si baby at ako sa ibang bata at nanay na nanganak. Actually, di nakakatulong, kung minsan ayoko na sila papuntahin sa bahay kaso kapitbahay lang sila kaya mabilis makapunta. Mag 2 weeks palang since nanganak ako, pero grabe na anxiety ko. Meron akong baby blues ngaun. I need encouragement momshies out there. I need support. Ayokong mapunta ito sa post partum depression. #advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby
Read more



Hello, meron po ba ditong working moms na kagaya ko? Sorry, gusto ko lang rin kag rant. Naiistress din ba kau at napapagod. Naiiyak kasi ako. Nagwowork ako full time, wfh, minsan nag oovertime pag maraming work. Pero ako rin sa gawaing bahay at ito, 8 mos pa akong buntis. Iniisip ko panu nalang kapag lumabas na si baby. Di ko alam panu hahatiin oras ko. Kapag busy ako sa work, di ako makapag luto. Minsan nalilipasan na ako ng gutom. Kapag weekend, halos wala rin akong pahinga kasi maglalaba, maglilinis ng bahay. Si mister, wfh rin, pero mas tanghali pasok nia. Di ko siya maasahan sa mga gawaing bahay kundi sa paghuhugas lang ng pinggan. Madalas hindi pa niya nagagawa. Kaya ako nanaman. Nagusap na kami about dito, wag raw kami muna kumuha ng katulong. Kasi maliit lang naman daw bahay namin. Paghatian nalang daw namin mga gagawin, kaso wala naman. Kapag maglalaba siya, damit lang nia lalabhan nia. Ayaw rin nia ako pahawakin ng pera, para may mabili naman ako sa sarili ko. Pang motivate ba. Take note, mas malaki sweldo ko sa kanya. Pero di ako makabili ng gusto ko hanggat di namin pinag aawayan. Naiiyak ako kasi naaawa ako sa sarili ko. Kapag iniisip ko itong sitwasyon ko, nanghihina ako. Ano po dapat kong gawin. Salamat sa magbabasa ng buo at sa magaadvice. #advicepls #1stimemom #pleasehelp
Read more

Meron po bang gumamit dito ng Beauche kojic soap while pregnant? Kumusta po si baby? Nakita ko kasi sa fb nila na safe sa pregnant, kaya ginagamit kong panghilamos since 1st trime. Pero hindi ko pinapangligo. 7 mos pregnant na ako. Nakita ni mister na naghilamos ako at un ang gamit kong sabon. Nagalit siya saken. Kasi baka may prob na raw si baby. Wala na po akong ibang ginagamit na beauty regimen simula nung nabuntis ako. As in beauche lang panghilamos natira. Salamat po sa sasagot. #advicepls #1stimemom #pregnancy
Read more