Nakakapagod pala

Nakakapagod pala kapag nanganak na. Mas mahirap kesa nung bago palang na nagbubuntis. Mas nakakapagod kasi wala kaming kasama ni hubby simula sa hospital hanggang paguwi ng bahay. Kami lang 2. Since first baby namin, nangangapa kami pareho. At walang tumutulong samen. Dagdag pa na CS ako kasi muntik na maubusan ng tubig sa tyan si baby. Masaya ako at nakapunta kuya ko at hipag ko nung nakaraang araw para turuan kami panu alagaan si baby as a newborn. Marami rin sila dalang prutas para makarecover ako kaagad. Kaso dahil malayo sila, saglit lang sila at di ko pa alam kelan sila makakabalik. Mga in laws ko naman, pupunta lang sa bahay para makita si baby at magsasabi ng kung anu anu at ikocompare si baby at ako sa ibang bata at nanay na nanganak. Actually, di nakakatulong, kung minsan ayoko na sila papuntahin sa bahay kaso kapitbahay lang sila kaya mabilis makapunta. Mag 2 weeks palang since nanganak ako, pero grabe na anxiety ko. Meron akong baby blues ngaun. I need encouragement momshies out there. I need support. Ayokong mapunta ito sa post partum depression. #advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi mamsh! same situation tayo before. emergency cs din ako kasi bumababa na heart rate ni baby. kami lang din dalawa ni hubby nag aasikaso kay baby non. kahit may kasama kami dito sa bahay, kami lang nag aalaga. buti na lang may background ako sa pag aalaga ng bata kasi ako nag alaga sa kapatid ko nung baby pa siya kaya alam ko kung pano mag diaper pero the rest, hindi ko na alam. sa una kapa kapa, pero eventually, masasanay ka din. mahirap talaga yung 1st month niyan tapos puyatan pa. yung tipong di ka na makaligo ng maayos. di makakain. tapos dagdag pa non yung stress ko kasi di ko ma breastfeed baby ko. no choice kundi iformula ko siya. grabe din yung 1-2nd week ko nung nanganak ako. iyak ako nang iyak. sobrang sensitive ko. hindi ako kakain hangga't di ako binibilhan ni hubby. may times na di nakakapag work si hubby kasi inaatake ako ng postpartum. you can't avoid it eh. kailangan mo lang ng support ni hubby dyan. hanggang ngayon na 2yrs. old na baby ko, may times na inaatake pa rin ako pero nililibang ko na lang sarili ko. i watched funny videos, vlogs, kdramas, etc. di rin naman ako pinapabayaan ng asawa ko, kapag may gusto akong food bibilhan ako, from time to time tinatanong niya ko lagi kung okay ako, pagod ako which is sobrang thankful ko. but most importantly, magpray. if nafifeel mong hindi mo kaya, wala kang malapitan, walang makausap, just pray. cry if you want. ganon talaga buhay eh. kaya mo yan mamsh. pag lumaki na si baby mo, mamimiss mo yung mga moments na maliit pa siya. na parang kailan lang kakapanganak mo palang sa kanya pero anlaki niya na agad. pag feel mo din na napapagod ka or nasstress, just look at your baby. mapapawi lahat yan. laban lang mamsh. kaya mo yan ❤️

Magbasa pa
3y ago

pag-usapan niyo po 🙂 i'm sure maiintindihan ka naman niya. mas okay din kasing matutukan mo si baby though medyo mahirap lang talaga kasi ikaw lahat gagawa but at the end of the day, masarap sa feeling lalo pag nakikita mo naman si baby. parang gumagaan lahat ☺️