kalungkot

ang lungkot lungkot ko ngayon. simula nung nagkanya kanya kami ng mga kapatid ko ng tirahan (binenta kasi yung bahay na tinirhan namin), dun na ko sa boyfriend ko tumira. Hanggang sa nanganak ako at almost 2 months na si lo. Ngayon, yung kuya ko kumuha ng rentang bahay para samin daw ng isa ko pang kuya kasi gusto niya may bahay pa kaming uuwian magpapamilya. Sabi sakin ng kuya ko, wag ko raw subukan gawing live in house etong nilipatan namin. In short, di na kami sa iisang bubong ng tatay ng anak ko. Nalulungkot lang ako kasi wala akong magawa. Wala akong trabaho. Ako ang tinutulungan kaya wala akong karapatan magreklamo. Ang sakin lang, parang iniiwas ng kuya ko kaming magina sa tatay ng anak ko. (oo ayaw ng kuya ko sa boyfriend ko) Naiiyak na lang ako kasi di ako sanay magisa. Lalo nat 2 months palang anak ko. Di ko pa kaya ng ako lang nagaalaga. Ako lang lagi dito magisa kasi yung kuya ko may trabaho rin. Para bang nawalan ako ng kasangga. Masaya ako sa boyfriend ko at sigurado akong mahal niya kaming magina. Alagang alaga niya ko di niya ko hinahayaang mapagod, magutom. Mamimiss ko yung araw araw siyang kasama. Ngayon dalaw dalaw nalang. :(

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para sakin sis, bumuo kna kase ng bagong family so magandang bumukod nalang po para iwas sa mga argue. Ganyan po kase bilin samin ng nanay ko, once na may anak na dapat independent na and bumukod kayo since family na kayo. Same case po tayo, nalulungkot ako kase wala akong kausap sa bahay nun 2 lang kami ng baby ko. Swerte mo sa part na inaalagaan ka ng bf mo ako kase napapagalitan pa pag walang pagkain na naaasikaso pag uwe nya. 3x na akong nabinat sa pagod mag alaga ng bata. For me sis, dapat panindigan mo na kung anong meron or ginawa mo hindi habambuhay nakasandal ka. Mas magandang maaga palang independent na. Pwede kang mag self employed. Ganyan po dine diskarte ko sa ngayon, mahirap po yan sa una pero kakayanin mo yan. 🙂 Hindi naman masama kung hihingi ka ng tulong paminsan minsan sa mga kapatid mo.

Magbasa pa
VIP Member

May anak naman na kayo dapat right mu rin ang magrason at dapat sa house ka ng boyfriend mo nakatira hindi sa kuya mo unless kung minor ka palang kung nasa tamang edad ka naman na karapatan mo ang magsalita dahil ama yun ng anak mo kaparapatan nyang kunin kayo at sya ang bubuhay sa ingo hindi ang kuya mo lalake ang magbubuhat sa pamilya lalot may anak pa kayo .. isipin mong mabuti para rin yan sa anak nyo kung mabuting tao naman boyfriend mo why not na sya ang piliin mo diba

Magbasa pa

Minor ka po ba, mommy? If nasa right age ka na po then mas okay na po na dun ka na sa bf mo para mas maalagaan kayo ng maayos ni baby and di ka pa malulungkot and masstress. Dalaw nalang po kayo sa kuya mo every weekends and sama mo bf mo para makabonding din niya. Pag nakita naman nila na inaalagaan kayo ng maayos, I think lalambot din mga puso non especially now na may little angel na mediator na kayo❤

Magbasa pa

No offend po. If ganyan kacare yung kuya mo. Alam niya anong mas better sayo. Lalo na kung yung bf mo e hindi naman kumontra. Sundin mo kung ano yung tama or sapalagay mo magiging okay kayo ng baby mo. Pero syempre yung part ng pagiging tatay is nandun pa din and yung support na financial. Yung kuya dika matitiis. Pero yung partner matitiis ka lalo na kung magkagalit. Just saying lang

Magbasa pa

Mainam po kung ung BF mo ang bubuhay sainyo at ibubukod kayo.. dpt naman po tlg pag may pamilya na dapat po tumayo sa sariling paa, bumukod kayo para po malaman nyo dn mahirap po umaasa.. magwork c BF mo po then ikaw po alaga ke baby mas mainam po un kesa kung ano lang po gusto ng kuya mo e un masusunod.. bukod nlng po mas ok

Magbasa pa
VIP Member

hmm para sakin sis mas okay sana na bumukod kayo ng bf mo lalo na may anak na kayo, pero ang tanong ano ba plano ng bf mo, bakit siya pumayag na kuya mo magdesisyon, menor pa ba kayo? dapat ipaglaban ka niya at ang anak mo. mas okay na may sarili kung kaya din naman bumukod. un naman po ay opinyon ko lang 😊

Magbasa pa
VIP Member

Sumama ka po sa bf mo kc may anak na kau dapat nga sa side ka nung lalaki pra maalagaan at matulungan ka matured kna po pde kna mag desisyon ng srili mo ndi habang buhay asa puder ka ng kua mo at kung mahal ka ng bf mo walang reason pra d pa kau magsama may srili na kaung buhay👍🏻

Eh bakit kuya mo ang tumutulong sayo bakit hindi yang tatay ng anak mo. If your boyfriend loves you and your child he will man up and be responsible enough para ipaglaban ung karapatan nya sa inyo. Nakukuntento sa dalaw2 lang? Seryoso ba?

siguro ang mabuti sis, habang andyan ka, ipon ipon ka... tapos sideline.. para mahelp mo rin si bf mo tapos maka bukod na kagad kayo... mahirap mag isa kaya, , para na rin sa baby nyo na may daddy sya at para may katuwang ka mag alaga 😉

Kausapin mo kuya mo. Kung kaya naman magprovide ng boyfriend mo para sainyo, mas okay kung dun ka nalang sa bahay na kasama siya kasi technically, pamilya kayo at masarap din sa pakiramdam na kasama mo partner mo. :)