Nakakapagod pala

Nakakapagod pala kapag nanganak na. Mas mahirap kesa nung bago palang na nagbubuntis. Mas nakakapagod kasi wala kaming kasama ni hubby simula sa hospital hanggang paguwi ng bahay. Kami lang 2. Since first baby namin, nangangapa kami pareho. At walang tumutulong samen. Dagdag pa na CS ako kasi muntik na maubusan ng tubig sa tyan si baby. Masaya ako at nakapunta kuya ko at hipag ko nung nakaraang araw para turuan kami panu alagaan si baby as a newborn. Marami rin sila dalang prutas para makarecover ako kaagad. Kaso dahil malayo sila, saglit lang sila at di ko pa alam kelan sila makakabalik. Mga in laws ko naman, pupunta lang sa bahay para makita si baby at magsasabi ng kung anu anu at ikocompare si baby at ako sa ibang bata at nanay na nanganak. Actually, di nakakatulong, kung minsan ayoko na sila papuntahin sa bahay kaso kapitbahay lang sila kaya mabilis makapunta. Mag 2 weeks palang since nanganak ako, pero grabe na anxiety ko. Meron akong baby blues ngaun. I need encouragement momshies out there. I need support. Ayokong mapunta ito sa post partum depression. #advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello mommy. same tayo, na emergency CS ako. the same time nag positive kame ng asawa ko sa Covid. kaya 9 days namen di nakasama si baby. Pag balik ko ang laking adjustment din saken, tapos ayaw na saken dumede ng baby ko gawa ng nasanay sya sa bote. Tama ka mas nakakapagod at nakakastress pag nanganak na. Ma advise ko lang, Kalma ka lang po. Teamwork kayo dapat lagi ng asawa mo, kung pagod ka na mag sabi ka sa kanya kung anong pwede nyang maitulong kasi minsan di rin nila alam kung ano pwede nyang itulong sayo. Maging Vocal ka talaga kay partner mo po. Yung mga pinag sasabi ng mga in laws mo wag papansinin. Ganyan talaga yang mga yan hahaha Madami pang unsolicited opinions kang makukuha sa ibang tao na di naman talaga nakakatulong. Wag mo na sila pansinin. Wag mo i absorb mga pinagsasabi nila. Tsaka lagi din kumain at kung kaya magpahinga po talaga. medyo matagal kasi talaga recovery pag CS.

Magbasa pa
3y ago

Thank you momsh, yup, deadma ko nalang mga sinasabi nila ngaun.