...

Nagkaroon ako ng karelasyon at nung sinabi ko na buntis ako saka nya lang sinabi sa akin na may asawa sya..pero before ilang beses ko syang tinanong kung may-asawa sya pati mga kaibigan nya pero ang sabi sa akin wala syang asawa..susustentuhan nya daw ang.. pinagbubuntis ko pero di dapat malaman ng asawa nya dapat po ba nakausapin ko ang asawa nya tungkol sa baby para naman makasuporta sya ng maayos kasi nakailang pacheck-up na ako wala man lang syang naibibigay..

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tanggapin mo na lang na magiging solo parent ka. Kasi ung baby mo proof ng adultery nung lalaki sa asawa nya and malaki laban nung legal wife kung gusto kayo idemanda. Lakas din ng loob mo na sa wife makipagusap regarding sa sustento. Pero di mo nilakasan loob mo na kilalanin muna ung lalaki bago ka nagpabuntis. Ilang beses ka na pala nagtanong if may asawa cya, meaning may doubts ka. Bakit di mo muna sinigurado bago may nabuong inosenteng bata.

Magbasa pa
3y ago

Dun ka sa lalaki humingi ng sustento, bakit sa wife???