Need Advice Pls..

Good evening mga mommies! Medyo mahaba to sana pagtyagaan nyong basahin. Kasal ako for 11 yrs with 2 kids. Last yr nagkalabuan kamo ng hubby ko. Natuto syang manakit na dumating sa point na pati anak ko nasaktan na nya. Nakipaghiwalay ako sa kanya. Meron akong naging karelasyon. May kids na rin sya and sabi nya hiwalay sila ng asawa nya. Naniwala naman ako kasi dinala nya ko sa bahay nila. Nakilala ko ng pamilya nya. Nabuntis nya ko. Simula ng malaman nya na buntis ako nag iba pakikitungo nya sa'kin. Ang dami nyang excuses. Busy sa trabaho, sumasideline, nagbebenta ng motor para daw may extra income. Sinabi nya pa na wag ko daw ituloy pagbubuntis ko. Dahil gulung gulo na isip ko hinalukay ko fb acct ng anak nya. Nakita ko yung asawa nya. Dun ko nalaman na hindi pala sila hiwalay ng asawa nya. Na nasa ibang bansa lang pala nagtatrabaho. Ang pinagtataka ko, bakit di manlang sinabi sakin ng pamilya nya na may asawa yung tao. Ngayon nagpasya ko na sabihin sa asawa ko na buntis ako. Naintindihan nya naman ako at nakipagbalikan sya sakin. Sabi nya tanggap nya anak ko. Ang importante daw yung mabuo ulit kami. Nangako yung tatay ng pinabubuntis ko na susuportahan na lang nya yung magiging anak namin. Hanggang sa mawalan na ko ng connection sa kanya. Di na sya nagparamdam. Bale simula ng nagbuntis ako 1k lang ang naibigay nya hanggang sa manganak ako. Hinyaan ko sya dahil ok naman na kami ng asawa ko. Ngayon, nabalitaan ko na may iba na naman syang karelasyon. Na natanggal sya sa trabaho dahil nahuli sila ng katrabaho nya na nagkikiss habang nasa duty. Sa palagay nyo po, dapat ko ba syang isumbong sa asawa/pamilya nya? Dapat bang malaman ng pamilya nya na may anak sya sakin!? Tama ba nya hayaan ko nalang sya sa ginagawa nya? Ayaw ko lang na may maloko na naman sya dahil sobrang hirap ng naramdaman ko nung nalaman kong niloko lang pala ko. Isa pa naaawa din ako sa asawa nya dahil di alam lahat ng kalokohan nya.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

If I were you. Talk with your hubby, Dapat bati kayo ng hubby mo, with his blessings. Tell him na gusto mo makausap ung asawa ng guy na un. Para malaman nung babae ang ginawa ng kanyang asawa. Kailangan ng support ng asawa mo. Pag nakipag usap ka sa asawa ng guy, khit chat lang yan sa Facebook. Para maiwasan ang selosan at girian sa pagitan nyo. You can say if you want ng sustento o wala, or gusto mo lang sya i-aware sa kalokohan ng asawa nya.

Magbasa pa

Buti naman at hiniwalayan mo na sya at naayos na ang pagsasama nyo ng mister mo. Oo isumbong mo sa misis nya ang mga kalokohan ng lalaking dati mong nakarelasyon para mahinto na mga ginagawa nya. Nakakaawa mga ibang mabibiktima nya. Good luck mommy

If I were you, isusumbong ko sya sa asawa nya. Para dun man lang makaganti ka sa pangloloko nya sayo. Then, hindi na ako magpaparamdam sakanya and hahayaan ko na lang masira buhay nya. 😁

Kung ako tatanungin, hayaan ko nalang siya at hahayaan ko nalang sila. Iiwas mo momsh yung sarili mo lalo yung pamilya mo sa gulo. Tapos naman na kayo. Problema niya na yun. Siya bahalang umayos at magsabi ng katotohanan. Mahirap mangimasok sa problema ng iba, kahit na good yung intention mo, minsan ikaw pa mapapasama. Di mo naman din alam pano itetake ng kabilang side yung sasabihin mo. Baka mamaya sayo pa bumalik yung isusumbong mo. Okay na kayo sa side mo e. Maayos na buhay niyo. Ipagdasal mo nalang po sila. Kahit dun nalang ang maitulong mo sakanya/sakanila.

Magbasa pa