Moms and Dads ano kaya ang mga reason kung bakit sa isang relasyon may nanlalamig ?

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Madaming pwedeng maging dahilan sa panlalamig sa mag-asawa. Minsan sa sobrang lagi na kayong magkasama, there are things na hindi na natin nabibigyang pansin kasi akala natin kinasanayan na natin. We take for granted things that we think are petty but big deal sa spouse natin. That's why it is important to have an open communication para alam natin kung saan tayo lulugar. Hindi natin alam baka may pinagdadaanan din ang mga asawa natin so instead makatulong tayo, nagiging cause pa tayo ng stress which sometimes lead to argument kasi hindi natin sila naiitindihan.

Magbasa pa

try nyo mag usap mag partner kase ganyan ginagawa namin ng husband ko pag masyado na syang nakatutok sa cp nya at halos pag uuwi sya galing work cellphone agad hawak nya ni hindi na nya ako mayakap pag matutulog kinausap ko sya about duon . kung bakit parang nanlalamig na sya sakin .and naging okay naman na kami . anyway 1year na kami nagsasama . and may mga time talaga na parang nawawalan na kayo ng pakelam sa isat isa kaya mahala ang communication sa bawat isa

Magbasa pa

siguro kasi sa haba ng pagsasama nila nakasanayan na nila and then d nila namalayan na nawala na pla ung mga dati nilang ginagawa my nagbago na pla d na sila nagkakaroon ng me time and nagkukulang na sa kumunikasyon stka pag tumatanda at tumatagal na ang relasyon madalas kong marinig pag my nageemote na isa sasabihin ng isa arte mo ang tanda mo na para gumanyan mga ganyan thats why nawawalan na sila ng gana nawawalan na sila ng respeto

Magbasa pa

Nagbabago kasi ang tao. So kung hindi kayo aware sa mga changes na nangyayri and walang conscious effort to adjust based on those changes, magsisimula na yung mga misunderstanding hanggang sa tuluyan ng manlamig. Kaya important na open ang communication ng mag-asawa para mapag-usapan kung mayroon mga kailangan na adjustment na gawin sa buhay mag-asawa.

Magbasa pa

Lahat tayo nagbabago ang pakiramdam. Maaring yung dating naka gisnan natin tulad ng panonood ng sine madalas ay maaring wala ng dating sa atin kaya mas ok if mag eexplore tayo ng ibang gimik para andon pa din yung sense of excitement.

Avoid having gap in communication.. We cannot always assume that our partners are okay until we ask them. Always know the reason where they are coming from.. PS: Pakihanap nalang po yung sagot ko sa tanong nyo.. Hahahaha

Magbasa pa

Pwede kasing taken for granted o unappreciated kaya nanlalamig. Maraming season ang isang relasyon pero kapag may pagpapahalaga na pinapakita sa salita at gawa sa isa't isa mas iwas panlalamig sa relationship.

Possible na dahil sa tao mismo or sa circumstances na pinagdaanan niyo as a couple. So maganda na we assess ourselves also kung bakit umabot sa ganyan yung relationship niyo.

hehehe, may nakita sigurong hindi expected na meron yung isa, like ugali usually ... sa expectation vs reality lang talaga nagkakatalo...

yung iba minsan ginagambala ng masamang espiritu if u know what i mean