Pambubully

Mommy gusto ko lang Sana mag share tungkol sa panganay ko.dati napakasigla nya,masayahin syang bata,matalino pero nitong nakaraang araw matamlay na po sya at Hindi ko na makausap o makwentuhan.dati Ang dami nyang kwento pero ngayon Wala na.kapag kinamusta ko sya sabi nya ok lang pero alam Ko at nakikita ko hindi na Pala sya ok.nabully na po Pala sya sa school😭😭😭😭Nakita Kasi kami ng Isang beses ng kaklase nya na namamasura(nangangalakal para makaipon pambili ng sapatos nya Kasi nga sira na)hayun pagdating sa school nilagyan ng papel pinadikit nila sa polo ng anak ko Ang nakalagay dun BASURERO AKO 😭😭😭😭tapos last Wednesday Pala nilagyan ng mga BASURA yung bag ng anak ko as in lahat ng mga notebook nya nabasa 😭kaya Pala pinatawag ako sa school kanina.kasi nahuli na yung naglagay nun sa bag nya at kanina ko lang nalaman na nabully na Pala sya.pagdating ko sa opisina ng school kinabahan ako Akala ko may kaaway sya kaya kinausap ako ng teacher at prinsipal pinaliwanag sa akin Ang mga nangyari.nung tingnan ko anak ko awang awa ako.napakawalang kwenta Kong ina.sana Hindi na lang kami namasura,pero Wala naman pong masama kung namamasura kami Kasi may Pera po sa BASUra marangal po Yun.wala po akong ibang ginawa kundi yakapin ko na lang sya.at Ang tanging sinabi nya lang sa akin MAMA😭😭😭MAMA sobrang sakit mga ma.hanggang ngayon iyak pa ako ng iyak habang nagkwento ako sa inyo Hindi ko pa Rin mapigilan luha ko.tapos nagkwento pa sya Isang beses daw tinago nila yung baon na lunch ng anak ko kaya yung lunch nya tubig na lang.ngayon Hindi ko alam kung paano ko ibalik yung dating sigla ng anak ko.😭😭😭😭

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Hindi ka po "walang kwentang ina", sadyang nag kulang lang siguro yung ina ng kabilang panig sa pag-gabay sa anak niya, kaya nagawang mambully ng bata na yun dahil sa kakulangan ng pangunawa sa paghahanap buhay ng marangal. Mas curious ako sa anong nangyari after niyo maipatawag sa school. Kung nakausap ba ang parents ng bully? Kung napunish ba ang nambully? Kung meron bang ginawa ang school para maturuan ang mga bata tungkol sa pagkakaiba-iba ng mga hanap buhay at kahalagahan nito? Kung naturuan ba ang mga bata na bawal mang bully? Paanong hindi na to maulit? Mga ganon. Nakakalungkot ang sinapit ng anak niyo. Pero kailangang maging matatag at mas ipakita sa anak mo kahit kinukulang kayo sa salapi, sagana naman kayo sa pagmamahal at kabutihang asal. Mga bagay na hindi kayang maangkin sa pamamagitan ng pera.

Magbasa pa
Related Articles