Totoo ba? Pumapangit daw pag lalaki ang pinag bubuntis?
Totoo ba pag lalaki pinag bubuntis mo papangit ka daw? Hahaha Ayun kasi sabi sabi nila. Sa mga may anak na lalaki. Totoo ba yun? π π For me parang di naman. Dipende siguro sa skin care routine. π
yes po totoo, kasi nong 1stborn KO 1 to 3mos. tiyan KO napaka blooming KO, pero going to 4-9mos. nag iba na hitsura KO. .hindi din ako mahilig mag ayos, minsan lang maligo, hindi maarti sa pagkain, wala masyadong morning sickness, lalaki ang baby KO, itong 2nd baby KO is girl , nong 1 to 8 mos tiyan ko napaka blooming KO daw Hindi nag iba ang hitsura KO, nong pag akyat lang ng 9 mos. tiyan KO umitim na kiliΒ² at leeg ko kunti, nagmanas na ung mukha at mga paa ko syempre manganganak na . . 1 to 4 mos. ang morning sickness KO, medjo maarti sapag kain, mainit ang katawan , arawΒ² naliligo, at mahilig mag ayos. . but I'm not sure hah kung kagaya ba sa akin ung iba. ππ
Magbasa paNot sure sakin kase baliktad. Nung pinagbubuntis ko panganay kong anak na boy. Maganda ako di lumaki ilong pero nangitim din halos lahat sakin sa pangalawa ko dun ako pangit medyo lumaki ilong ko para sakin pero para sa kanila di din naman. Ang pinag kaiba lang sa kanila. Sa panganay ko di ako maselan pero sa bunso kong babae napaselan ko. Ganun daw kase sabi nila kapag magkaiba akala nila lalaki anak ko ulet kase sobrang itim ko. Ang pangit ko tapos patusok pa tyan ko pero nung lumabas babae.
Magbasa pa4 na po anak ko at puro lalaki, Hindi po totoo yan. Iba iba ang pagbubuntis ko sakanila. Sa panganay ko talaga namang nagkamatis ilong ko tapos yung mata ko kala mo umiyak magdamag,mga leeg at singit singit ko sobrang itim. Dun sa pangalawa,di naman masyado. Sa pangatlo ko,wala nagbago saaken. Sa pangapat ko,todo make up ako araw araw,akala ko nga babae na pinagbubuntis ko,gandang ganda ako noon sa sarili ko.
Magbasa papamahiin lang daw pero bat sakin totooπ lumaki ilong ko, umitim leeg ko, pati kili kili. tumaba rin ako. nung mga unang buwan akala ko hindi totoo. pero pag dating mo ng 8 months dun mo malalaman talaga. nag iba talaga itsura ko. lahat ng kakilala namin pag nakikita ako laging unang banggit "ng iba itsura mo" para silang shunga di nalang itikom ang bibig! HAHAHAHA
Magbasa papamahiin lang po yan. pero sa case ko totoo π ang laki ng ilong ko, ang itim ng leeg, kilikili tsaka singet ko. ang taba ko sobra tapos parang ang baho baho ng katawan ko. nadedepress ako sa totoo lang pero buti nalang may mga nakasuporta sakin n lagi nila pinapaalala na babalik naman lahat sa dati pag nanganak na ko π₯Ήπ©·
Magbasa pa5months pwede na malaman
base on my experience po π sa babae ko po na anak napakaputi at makinis po Mukha ko medyo nag dark lang po Yung kilikili ko pero nung nagbuntis po ako sa anak ko po na lalaki subrang itim po ng kilikili ko dumami din po tigyawat ko nagkaroon na din ng kmas sa gilid ng Dede at sa tiyan pero habang buntis lang. nmn po umokay namn po nung nailbas na
Magbasa pasa case ko sa panganay ko, as in pumanget hitsura ko, lahat nag iitiman saken. may nabasa ako at nakita na kahit babae dinadala nila same lang din. depende kase sa hormone naten daw sa katawan.. pero ako non, dami nagsasabi lalaki anak ko kase nga ang itim ng kilikili, batok ko.. π
no. kung dati ka nang pangit. talagang pangit din ang baby. saka baby boy ang anak ko, nangitim lang leeg ko at kili kili and un nga maraming stress marks. nasabihan pa ako ng losyang losyang ng asawako dahil na rin sa pagbrainwash sa kanya ng mahaderang MIL ko
depende momsh hehe, kasi ako sa 1st baby ko, boy sya blooming naman ako and wala ako morning sickness, nausea, etc.... tapos ngayong 2nd pregnancy ko parang total opposite nung 1st, hindi ako blooming and may morning sickness, etc... boy din si 2nd baby βΊ
hindi naman po totoo yun kasi noong buntis ako sa bunso ko eh blooming pa nga daw ako d pa maniwala yung mga nakaka kita sa kin na lalaki ang anak ko.. sa panganay ko naman tamad akong maligo at mag ayos babae naman ang panganay ko