Pambubully

Mommy gusto ko lang Sana mag share tungkol sa panganay ko.dati napakasigla nya,masayahin syang bata,matalino pero nitong nakaraang araw matamlay na po sya at Hindi ko na makausap o makwentuhan.dati Ang dami nyang kwento pero ngayon Wala na.kapag kinamusta ko sya sabi nya ok lang pero alam Ko at nakikita ko hindi na Pala sya ok.nabully na po Pala sya sa school😭😭😭😭Nakita Kasi kami ng Isang beses ng kaklase nya na namamasura(nangangalakal para makaipon pambili ng sapatos nya Kasi nga sira na)hayun pagdating sa school nilagyan ng papel pinadikit nila sa polo ng anak ko Ang nakalagay dun BASURERO AKO 😭😭😭😭tapos last Wednesday Pala nilagyan ng mga BASURA yung bag ng anak ko as in lahat ng mga notebook nya nabasa 😭kaya Pala pinatawag ako sa school kanina.kasi nahuli na yung naglagay nun sa bag nya at kanina ko lang nalaman na nabully na Pala sya.pagdating ko sa opisina ng school kinabahan ako Akala ko may kaaway sya kaya kinausap ako ng teacher at prinsipal pinaliwanag sa akin Ang mga nangyari.nung tingnan ko anak ko awang awa ako.napakawalang kwenta Kong ina.sana Hindi na lang kami namasura,pero Wala naman pong masama kung namamasura kami Kasi may Pera po sa BASUra marangal po Yun.wala po akong ibang ginawa kundi yakapin ko na lang sya.at Ang tanging sinabi nya lang sa akin MAMA😭😭😭MAMA sobrang sakit mga ma.hanggang ngayon iyak pa ako ng iyak habang nagkwento ako sa inyo Hindi ko pa Rin mapigilan luha ko.tapos nagkwento pa sya Isang beses daw tinago nila yung baon na lunch ng anak ko kaya yung lunch nya tubig na lang.ngayon Hindi ko alam kung paano ko ibalik yung dating sigla ng anak ko.😭😭😭😭

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Hindi ka po "walang kwentang ina", sadyang nag kulang lang siguro yung ina ng kabilang panig sa pag-gabay sa anak niya, kaya nagawang mambully ng bata na yun dahil sa kakulangan ng pangunawa sa paghahanap buhay ng marangal. Mas curious ako sa anong nangyari after niyo maipatawag sa school. Kung nakausap ba ang parents ng bully? Kung napunish ba ang nambully? Kung meron bang ginawa ang school para maturuan ang mga bata tungkol sa pagkakaiba-iba ng mga hanap buhay at kahalagahan nito? Kung naturuan ba ang mga bata na bawal mang bully? Paanong hindi na to maulit? Mga ganon. Nakakalungkot ang sinapit ng anak niyo. Pero kailangang maging matatag at mas ipakita sa anak mo kahit kinukulang kayo sa salapi, sagana naman kayo sa pagmamahal at kabutihang asal. Mga bagay na hindi kayang maangkin sa pamamagitan ng pera.

Magbasa pa

habang binabasa ko nanliligid ang luha ko🥹, napakasakit para s isang magulang n mabully ang kanilang anak,na wla namang tanging gusto ay ang magkaron ng kaunting kita s pmmasura para s pag aaral at makatulong s magulang, napaka swerte ng mga bumully s anak mo di nila nararanasan ang mamasura,bagamat mga bata pa ang kaisipan ng mga bata na bumully s anak mo, still masakit pa din para s nanay n katulad ko 🥹🥹🥹 sana maisip nila mali ang ginagawa nila at ipaunawa ng mga magulang na di dpat ganun ang ginagawa nila napakaswerte mo s anak mo s batang edad alam n nya ang tumulong, darating ang panahon ang pasisikap nya ang msusuklian din ng tagumpay, s ngayon tiis muna❤️❤️

Magbasa pa
TapFluencer

Ano po sunction na ginawa sa mga nam bully sa anak nyo? dapat may ginawang action ang admin ng school. Kung ako po nasa kalagayan nyo better humingi kau ng referral na maipalipat na anak mo sa ibang school na medyo malapit din sa inyo. Hingin nyo un sa school admin na ma assist kau para mailipat ang anak nyo sa other school. Kasi possible maulit ung ginawa ng mga nambully sa anak nyo ulit, kawawa anak mo. Sa pangangalakal naman po, marangal na hanapbuhay un pero kung maiiwasan po wag nyo na isama ang anak nyo kung meron naman po mapag iiwanan sa bahay nyo.

Magbasa pa

explain mo po sa kanya kung bakit nyo un ginagawa as a way of getting money then let him know na okay lang na mamasura o mangalakal ang hindi ok eh ung hinahayaan nya ung nambubully sa kanya. he needs to be strong and tell sa bully nya na mali ung ginagawa nila. minsan sa sobrang pangaral natin kahit nasasaktan na sila tinitiis nila kase mali ang mang away pero mommy mali din po ang hayaan natin na hindi sila lumaban sa buhay. hugs sayo mabuting bata ang anak mo 😘 give him a kiss and hug him tight. sabihin nyo po na proud kayo sa kanya.

Magbasa pa

Mii wala pong masama sa pagbabasura nyo sadyang di pa lang po talaga yun naiintindihan ng mga bata kaya ang gagawin nila mambubully sila. Icomfort nyo lang po anak nyo mii. Iparamdam nyo lang po lagi na nasa tabi ka nya. Try nyo po iparequest sa school na ilipat na lang sya ng section para di nya lagi nakikita yung mga nambully sa kanya. Hugs mommy pati po sa anak nyo po

Magbasa pa

Mommy,nakakaiyak po. Ramdam na ramdam ko yung sakit sa puso nung sitwasyon. Literal na umiyak ako nakakadurog.😭Ano po ginawa sa mga nabully? Yung parents po nakausap nyo po? Ipaliwanag nyo na lang din siguro po sa anak nyo na marangal yung ginagaqa nyo po at para sa kanya din po..kahit bata naman po nakakaintindi na din pero ang sakit pa din😭

Magbasa pa

mommy maganda siguro makausap mo ang nanay ng mga bata nambubully kasi sila makakapagdisiplina sa anak nila. palagay ko naman maiintindihan ka nila lalo pa at kailangan lumaki ang anak nila ng tama. kung ako ang may anak sa nambubully sa anak mo ipagpapasalamat ko sayo na malaman to para wala ng maging next na biktima yung anak ko.

Magbasa pa

Okay lang naman po umiyak kung yan magpapagaan ng kalooban niyo pero tatagan niyo po mommy para yung anak niyo hindi panghinaan ng loob. Ilipat niyo nalang po siguro sa ibang school. Atsaka mahalaga po yung mental health ng bata kaya kapag nalipat na po siya ng school ipa counseling niyo rin po kasi iba po ang epekto ng bullying.

Magbasa pa

nakakaiyak mii..first time mom ako,pero ramdam ko ung sakit bilang ina na ganunin ang anak nila..may mga pamangkin akong napasok,kaya kahit mali pero kailangan..binibilinan namin sila na kapag may nambully sa kanila eh matuto silang lumaban..mas masakit isipin naaapi ang anak o pamangkin natin.kaya tinuruan namin sila..

Magbasa pa
TapFluencer

naiyak rin ako mommy wala masama sa pamamasura kahit ako sa loob ng mga bata pinapakita ko tinatabi ko mga karton lata at mga sira namin kagamitan at iipunin para ibenta . magiging tinapay . Kaya lage ko sinasabe sa mga bata wag mang hahamak ng tao lahat yan pinag hihirapan