Pambubully

Mommy gusto ko lang Sana mag share tungkol sa panganay ko.dati napakasigla nya,masayahin syang bata,matalino pero nitong nakaraang araw matamlay na po sya at Hindi ko na makausap o makwentuhan.dati Ang dami nyang kwento pero ngayon Wala na.kapag kinamusta ko sya sabi nya ok lang pero alam Ko at nakikita ko hindi na Pala sya ok.nabully na po Pala sya sa school😭😭😭😭Nakita Kasi kami ng Isang beses ng kaklase nya na namamasura(nangangalakal para makaipon pambili ng sapatos nya Kasi nga sira na)hayun pagdating sa school nilagyan ng papel pinadikit nila sa polo ng anak ko Ang nakalagay dun BASURERO AKO 😭😭😭😭tapos last Wednesday Pala nilagyan ng mga BASURA yung bag ng anak ko as in lahat ng mga notebook nya nabasa 😭kaya Pala pinatawag ako sa school kanina.kasi nahuli na yung naglagay nun sa bag nya at kanina ko lang nalaman na nabully na Pala sya.pagdating ko sa opisina ng school kinabahan ako Akala ko may kaaway sya kaya kinausap ako ng teacher at prinsipal pinaliwanag sa akin Ang mga nangyari.nung tingnan ko anak ko awang awa ako.napakawalang kwenta Kong ina.sana Hindi na lang kami namasura,pero Wala naman pong masama kung namamasura kami Kasi may Pera po sa BASUra marangal po Yun.wala po akong ibang ginawa kundi yakapin ko na lang sya.at Ang tanging sinabi nya lang sa akin MAMA😭😭😭MAMA sobrang sakit mga ma.hanggang ngayon iyak pa ako ng iyak habang nagkwento ako sa inyo Hindi ko pa Rin mapigilan luha ko.tapos nagkwento pa sya Isang beses daw tinago nila yung baon na lunch ng anak ko kaya yung lunch nya tubig na lang.ngayon Hindi ko alam kung paano ko ibalik yung dating sigla ng anak ko.😭😭😭😭

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Ano po sunction na ginawa sa mga nam bully sa anak nyo? dapat may ginawang action ang admin ng school. Kung ako po nasa kalagayan nyo better humingi kau ng referral na maipalipat na anak mo sa ibang school na medyo malapit din sa inyo. Hingin nyo un sa school admin na ma assist kau para mailipat ang anak nyo sa other school. Kasi possible maulit ung ginawa ng mga nambully sa anak nyo ulit, kawawa anak mo. Sa pangangalakal naman po, marangal na hanapbuhay un pero kung maiiwasan po wag nyo na isama ang anak nyo kung meron naman po mapag iiwanan sa bahay nyo.

Magbasa pa
Related Articles