QMMC

Hello mommies. Sino po dito nanganak sa QMMC or labor this year lang? Kamusta po experience nyo? At magkano po nagastos nyo Normal or Cs? Salamat po sa sasagot.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa totoo lang maganda sa labor kung regarding sa bill kase wala ka talga babayaran na admit kase aq dun dahil sa hypertension ko nilagay nila aq una sa labor room nakita ko kung paanu nila sigawan un mga nag lalabor dun na laruin ung utong uumire ka lang ayun mas pinaka worse ung nasa ward na iilan kau sa bed masswerte ka kapag malapit ka sa electric fan kung hndi tiis ka sa init na dalawa kau nasa bed. May friend aq na CS sya dun itong oct lang umiiyak sya kase kaka CS lang nya oras lang need na kumilos at bawal ang bantay sa loob pinagagalitan sila kapag palagi sila nakahiga ang pinaka worse pa dun kapag malapit kana lumabas pag istayin ka sa hallway matutulog ka na nakaupo dalawa pa ang baby sa crib kaya iyak sya ng iyak nung nandun sya kaya aq kahit na medyo tight sa budget pinagtyatyagaan ko ngaun mag paalaga sa world citi (service patient) kaya kahit may bayaran man maliit lang atleast comportable ka kase ayoko rin maranasan ung nakakaiyak na sitwasyon sa labor

Magbasa pa

Plano ko sana jan manganak kaso ngaung nov lang dinalaw ko ung asawa ng kuya ni LIP na emergency cs sya at sa QMMC dinala, sobrang init as in pinagpapawisan talaga ako nung dumalaw ako maswerte ka kung kabilaan ung electric fan pero pag nd tiis talaga. Tapos sa 3rd day nila ng baby nya pinaupo na sya sa upuan tapos ung baby nya nakabukod naman may kasama nga lang ibang baby dun sa higaan na pang baby. Un na ang situation nila pero nagbayad pa sila. Kaya nagdecide ako na maghanap ng alternative na hospital, good thing may bagong hospital malapit dto samin at so far okay naman naririnig kong feedback sknila kaya dun na lang ako manganak since kita ko ung facility na maganda talaga at maayos. Sa waiting area palang pag nagpapacheck up may electric fan na.

Magbasa pa

ok mamsh compared sa ibang public..mga ojt nurse nman nila mababait.. basta sumunod k lng s sinasabi nila.. and if public need mo po maging independent s sarili mo kasi after nyo po ilabas si baby , u need to be on your own kahit CS kapa nanganak..kung doon k po nagpacheck up wala nman babayaran if idadaan nyo po sa SWA.. kung totoong bill po..nasa 30-35k po total at sa baby nasa 8k po..all in na po.. from admission po until ma discharge.. 2 mommy at baby nila sa isang bed..on the 3rd day nasa labas n po kayo/hallway mag iistay.. naka upo po mga mommy while si baby nasa maliit n glass crib..share po yung dalawang baby.. nanganak po ako doon s 1st and 2nd baby ko..base on experience wala nman nagbago after 4 yrs.. kakapanganak ko lng po last august .

Magbasa pa

Ako po mommy sa QMMC ako nanganak sa 2nd baby ko 8months lng sya nag stay sya sa NICU for 3weeks na intubate sya for 8 days. Mababait mga doctor super asikaso ang baby pati ang mommy. Private ung OB ko c dra. Baltazar mabait din po sya. Ngaun 3rd baby ko don din ako ulit manganak CS ako diretso na ako ligate. Nsa 70k+ daw po magastos ko ksma na lahat don private ang room pati pedia 😊

Magbasa pa
5y ago

Nakapanganak na po kayo? Sa qmmc?

maganda dun mamsh dun ako nanganak sa 1st baby ko kailangan mo lang matyaga ka sa pila kasi matagal pila don, wala kami binayaran sa panganganak ko ni piso kasi may mga charity na pwede ilapit yung bills mo don mismo sa ospital, dun din nilakad philhealth ko sponsored type, kaso mahirap lang don yung sa ward na sa isang kama 4 kayo magsheshare

Magbasa pa

nanganak ako dun via Cs last december 2019.. ok nmn sya mommy ung aftr mo lng tlga manganak ang sobrang mhirap kasi pg mraming nanganganak ngiging 3 kayo sa isang bed 😅sa last day mo pa matutulog ka ng nkaupo .. then nsa 3k ung bnayaran ko ksi hnd ako nagpalagay ng family planning ..

Nanganak na po ako last nov 13 . So far ok naman ang experience medyo mahirap lang nung nasa ward na 4 kami sa isang bed kasama na baby.. Magagaling mga doktor at walang binayaran.. Salamat sa Diyos nakaraos din

5y ago

Cover po lahat ng philhealth

VIP Member

Ako mamsh nitong october lang. Ok naman experience ko sa isnag bed apat kaming nagshare pero ayos lang since 3 days lang ako nag stay dun.. Normal delivery and wala akong binayaran.

5y ago

Ano po ginawa nyo bket wala po kayo binayaran?

Cs ako sep 30 lang ako nanganak duon okay naman maganda service kaso dahil public sya at madaming nanganganak ngayon sa isang kama pwedeng 2 or 3 kayo kasama na baby nyo duon

5y ago

Iba iba po doctor duon kada magpapa check up kapo iba iba po mag che check up sayo

VIP Member

Nanganak po ko doon nung october via bikini cut cs. maganda naman po doon maasikaso tiis lang talaga sa kwarto kasi hati kayo sa kama pero wala po kong binayaran❤️

5y ago

wala po basta po may philhealth ka at magpapalagay ka ng kahit anong birth control sakanila😊