How long were you in labor?

Mommies, gaano katagal ang labor experience mo? Share your stories. May mga record breaking times ba dyan?

How long were you in labor?
111 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello ka moms.. Share ko lg experience ko sa paglalabor, mmm labor ko is 4 hrs lg (pasakit) hinintay lg ni baby c daddy niya at yon na nag start yong pasakit na mararamdaman natin.. Pero 1pm plg non my dugo na lumabas at pabalik2 nako sa cr na parang mag popoop pero nd.. HanGgang ng 5pm na dumating daddy niya ayun na nag start na sumasakit na parang lalabas na talaga siya pero nd padaw kasi ilang cm plg hanGga mag 9:09pm lumabas na babY ko..

Magbasa pa

First Baby (due date april 26, 2022) lumabas c baby april 30, 2022. Hindi poko nag labor. Hindi ko din po alam na manganganak na po pala ako. 10pm pumutok na panubigan ko sa bahay. 11pm nasa hospital na po kami, pinapakiramdaman ko lang ung tyan ko nun, sabi nila kapag humilab ung sakit iire ko lang. 4times ko inire sa awa ng diyos lumabas naman agad. 12:05am lumabas na po ung baby ko. sobrang saglit lang po talaga, wala pa pong 30mns.

Magbasa pa

dec.26,2021 ako nanganak. dec.21 palang lagi na sumasakit balakang at puson ko pero keri pa naman sakit hanggang dec.25 ganon lang nararamdaman ko pero stock nako sa 2cm non. (nagdo pa kami ng tatay ng anak ko non 🤣) then 2am ng dec.26 mas masakit na di nako pinatulog non sa sakit. 5am dinala nako sa lying in tapos 2cm pa din. insert ng evening primrose apat agad 7am nag active labor nako. 9:45am baby's out.

Magbasa pa
VIP Member

sa panganay ko almost 10 hrs. naka stay lang sa 9cm ayaw p rn ata lumabas nun ni bibi pero biyaya ng Dios nailabas ko sya ng ligtas 😊 sa pangalawa naman induce labor ako kc nung magchecheck up lng ako edi na IE ako ayun biglang 6cm na daw hindi na ako pinauwi kaya nagstay na ako sa lying in nun. almost 4hrs ako naglabor sa 2nd baby ko biyaya malusog sya kahit na napaaga ung paglabas nya 😊

Magbasa pa

panganay 14 Hrs . pangalawa halos 30 Mins lang sguro . Nung nkramdam ako hilab naligo nko tas pnta clinic ni OB eh . Pag IE skin 10 cm na pala ☺️ Ayun pnutok lang panubigan tatlong Ire labas si Baby ❤️ Sa panganay nman na stock sa 1cm . Pmuntok na panubigan ko mga 3-4am tpos 5:21 pa ako nanganak sobrang akit at hrap talaga kada hihilab .

Magbasa pa

induced labor yung sakin, 6am ng Nov. 23 my water broke, so my family rushed me sa lying in clinic since medyo mahigpit pa non sa hospital due to covid, hindi ako tatanggapin ksi walang swab. so ayon na nga, pag dating sa clinic, 2cm palang ako. nagpa induce labor na ako then medyo mabagal bumuka yung cervix ko. pero by 12:31pm na deliver ko na ang akin first born 💘

Magbasa pa

1st (2003) > Dec. 1 around 6pm to Dec. 3 around 4:30am baby out 2nd (2007) > 7am to 7:30pm baby out 3rd (2014) > around 11am to around 2:30pm baby out 4th (2021) > July 21-22 continous pain, no discharge. July 23 after lunch, nagpaie 4-5cm na. 10:25pm baby out. 1st born and bunso are both boys. 2nd and 3rd are girls. Pinahirapan ako ng boys ko😅

Magbasa pa

11pm hanggang 4am sis grabe yon! tapos minomonitor pa heartbeat ni baby so habang nakahiga ako, wag daw ako masyadong kumilos. e mamsh, first time ko tapos ganon, grabe ang sakit... bawal daw ako umupo or tumayo nung nasa labor room na ko. ako pa mag isa nun, jusko lord. buti naman at ok padin after, tapos 4:38am lumabas baby girl ko. ♥️♥️

Magbasa pa

Hi po. ask lang. nananakit po kasi tyan ko as in humihilab talaga tapos sumabay puson, balakang at pwerta ko na parang may malalaglag na feeling. mula kagabi pa ng madaling araw ng 1am-6am. tapos pagpunta ko ng ob close cervix pa daw po ako. tapos ngayon yung sakit nya mawawala tas sasakit uli.

3w ago

First Pregnancy ko po ito. Sana po hindi ganun katagal mag Labor 🙏

saturday morning(march 27,2022) nag start ng sumakit tyan ko akala ko normal lng kasi april 11 pa naman duedate ko..ng saturday night na mas lalong sumaskit ng sumasakit hangang nag 1:00 na ng umaga nag waterbroke na ako then dinala akosa hospital 5:01 lumabas na c baby😊