Mga sis I need your opinions, litong lito na ko at this time. Simula nung manganak ako last month, parati na kaming may misunderstanding ni hubby pagdating sa pag aalaga kay baby, madalas na nagkakatampuhan at nagtatalo at kaninang umaga nagalit sya kasi mali yung pagkarga ko kay baby I mean hindi nya kasi nagustuhan ung way ng pagkarga ko sa anak namin so ayun pinagsabihan nya ko kaso nasaktan ako kasi di ko nagustuhan ung way ng pagsabi nya sakin, ang gusto ko lang magsabi sya ng maayos. Ayun nagkasagutan kami hanggang sa nag-empake na sya at sabi nya aalis sya so sabi ko naman "sige umalis ka!"
Nag abot sya ng pera sa tatay ko para kay baby tapos umalis na sya ng walang paalam sakin saka sa anak namin. Umuwi sya sa kanila at binilin nya sa nanay ko na babalik din daw sya dito sa amin.
Nagmatigas ako hindi ko sya pinigilan umalis. Not until kanina narealize ko na mali ako. Simula buntis ako hanggang ngayon binigay nya lahat ng needs at mga gusto ko/namin ni baby, kahit gipit na sya hindi sya nagkulang samin. Nung pagkapanganak ko sya ang nag-alaga sakin. Sinusubuan ako tuwing kakain kasi hindi ako makaupo dahil sa tahi ko. Sya nagpapaligo at naghuhugas sa sugat ko. Sya nagreremind at nagpapainom sakin ng mga gamot at vitamins ko. Lahat ng pag-aalaga ginawa nya pati pagpapalit ng diaper ko at diaper ni baby at pagpapatulog kay baby. Lahat yun naisip ko kanina nung umalis sya. Nagsorry ako pero ang sabi nya wag ko muna syang kausapin, gusto daw muna nyang mag-isip-isip.
Ngayon umiiyak ako at namimiss sya agad. Ang tahimik ng kwarto namin ngayong wala sya at kaming dalawa lang ni baby. Anong dapat kong gawin? Ayoko ng ganito kami. Hindi ko alam kung kailan nya kami babalikan. Parang ang hirap mag-alaga kay baby ngayon, tuwing iiyak sya mapapaiyak din ako. Kausapin nyo ko. One month pa lang kami ni baby. πππ
IsaaChia