Need advice please!😭

Mga sis I need your opinions, litong lito na ko at this time. Simula nung manganak ako last month, parati na kaming may misunderstanding ni hubby pagdating sa pag aalaga kay baby, madalas na nagkakatampuhan at nagtatalo at kaninang umaga nagalit sya kasi mali yung pagkarga ko kay baby I mean hindi nya kasi nagustuhan ung way ng pagkarga ko sa anak namin so ayun pinagsabihan nya ko kaso nasaktan ako kasi di ko nagustuhan ung way ng pagsabi nya sakin, ang gusto ko lang magsabi sya ng maayos. Ayun nagkasagutan kami hanggang sa nag-empake na sya at sabi nya aalis sya so sabi ko naman "sige umalis ka!" Nag abot sya ng pera sa tatay ko para kay baby tapos umalis na sya ng walang paalam sakin saka sa anak namin. Umuwi sya sa kanila at binilin nya sa nanay ko na babalik din daw sya dito sa amin. Nagmatigas ako hindi ko sya pinigilan umalis. Not until kanina narealize ko na mali ako. Simula buntis ako hanggang ngayon binigay nya lahat ng needs at mga gusto ko/namin ni baby, kahit gipit na sya hindi sya nagkulang samin. Nung pagkapanganak ko sya ang nag-alaga sakin. Sinusubuan ako tuwing kakain kasi hindi ako makaupo dahil sa tahi ko. Sya nagpapaligo at naghuhugas sa sugat ko. Sya nagreremind at nagpapainom sakin ng mga gamot at vitamins ko. Lahat ng pag-aalaga ginawa nya pati pagpapalit ng diaper ko at diaper ni baby at pagpapatulog kay baby. Lahat yun naisip ko kanina nung umalis sya. Nagsorry ako pero ang sabi nya wag ko muna syang kausapin, gusto daw muna nyang mag-isip-isip. Ngayon umiiyak ako at namimiss sya agad. Ang tahimik ng kwarto namin ngayong wala sya at kaming dalawa lang ni baby. Anong dapat kong gawin? Ayoko ng ganito kami. Hindi ko alam kung kailan nya kami babalikan. Parang ang hirap mag-alaga kay baby ngayon, tuwing iiyak sya mapapaiyak din ako. Kausapin nyo ko. One month pa lang kami ni baby. 😭😭😭

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Make your own choices, may mga bgay nman talaga na magttampuhan tayo sa mga aswa ntin . Kahit minsan yon maliliit ng bagay ay panapalaki, kaya nakapagsalita ng masaskit satin ang sawa ntin ..Tiis lang at tiwala ,magbigay kayo ng mga kagustuhan para hnde kayo masyado mag away. Minsan din ang aswa natin ang naghhanap ng gulo or away sa pamilya ntin. Pansinin mo kung ano ang nagbabago sa knya kasi minsan yan naghahanap lang ng ginpo ang mga lalaki upang makipaghiwla ng mga aswa nila. Palage nalang inaaway ang babae kahit wlang dahilan. Nagagalit na hnde naman alam kung ano ang kinakagalit niya. Palage nalang wla sa bahay.

Magbasa pa

Try to give him time and space to breathe. As a first time father, maybe he’s feeling a little bit more stressed and pressured. He just wants the best for your baby kaya siguro over protective. And for you mamsh, you’ll feel more sensitive because of your hormones kaya don’t take all the blame. Hindi naman maiiwasan yung misunderstandings sa relp esp. now na may bigger responsibility na kayo ni hub. Just use this time to think and relax. And when he comes back, you can communicate well kasi youre both calm na. ❀️

Magbasa pa
VIP Member

You spoil too much.. (pasensya) Don't stress too much maka PPD Yan πŸ™ Relax ka muna... Nag rerelax din hubby mo.. (dala cguro sa pagod sa work) focus on baby's needs. Sabihin Mu sa hubby mo all over again that you realize how spoil you are that you meant for forgiveness. Walang ma init na tubig na madaling malamig = malamigin mo muna si hubby Wag away ng away momsh sige ka makahanap yan ng bago. βœŒοΈπŸ™‚ Try to be calm ulit. Dapat tayo mga momsh mataas ang pasensya specially sa newborn..

Magbasa pa

say your sorry,pero let him have his space and time.. mahal ka ng asawa mo and ang baby niyo,for sure babalik din si hubby,just give him time,wag ka na umiyak,,next time pag nagaaway kayo maganda siguro ung silent therapy,or in my case sa text q sinasabi sknea un galit ko,atleast habang kinocompose ko yung msg. ko kumakalma ko,naiisip q un mas tamang sabihin,unlike dala ng bugso ng galit na nkakapagbitiw ng di magagandang salita..

Magbasa pa
VIP Member

Momsh, call mo na si hubby or I text. For sure nman mahal na mahal ka rin nyan. Baka huminga lang si mister Hehe. Nakulitan lang sayo ng bongga. Babalik rin yan sayo. Wag ka. Masyado mag iiyak wag mo sa ayan pag iyak ni baby. Babalikan kayo nyan. Sadyang may mga lalaki lang tlaga na mainitin ang ulo pero madali naman mawala πŸ˜‚πŸ˜ msg mo. Lang. Then hingi ka sorry.

Magbasa pa
VIP Member

Ngpapalipas lng po cguro ng init ng sitwasyon mommy. Gya po ng kwento nyo po, plagay ko po nmn mahal na mahal nya kayo ng baby nyo. Ndala lang po ng bugso ng damdamin dhil nd nyo sya pnakinggan. Pagkalipas din po na narealize nya na pti sya may pagkakamali sa nangyari, babalik din po sya. Kailngan nyo lang po muna gwin, alagaan nyo po mabuti c baby at magpagaling po.

Magbasa pa
Super Mum

Hayaan mo muna mommy. May assurance naman na babalik sya. Nagpapalamig lang. Mukhang mabait naman si hubby, nasaktan din siguro sya. Suyuin mo pa rin hanggang maging okay kayo at pag naging okay na kayo iwasan na yung mga bagay na di nyo napagkakasunduan. Learn to compromise din. Good luck. Sending hugs to you mommy. β™‘

Magbasa pa

Normal lang naman ang may hnd pagkakaintindihan lalot bago plang kayo mag aswa. Nasa adjustment period pa kayo pareho.. More pasensya lang momshie.. Pati sa sarili mo. Tyong mga babae madrama tlga tayo eh.. Bawasan natin onti un, at intindihin din natin ang mga mister natin.

Dapat hindi lang ang lalaki nagpapakumbaba try mo magsorry mamsh. Pero babaw kase bat umalis diba pero siguro dala ng pagod at stress. Babalik din yan nagpapalamig yan. Isipin mo na lang yung way kung paano mo siya sinusuyo dati. Mahal ka niyan di ka matitiis niyan πŸ˜‰

Suyuin mo lang sya sis. Ganyan din kami ni hubby ❀️ Tell him na ayusin nyo for the sake of your baby. Hayaan mo muna na magpalamig sya tutal di naman sya gagawa ng kalokohan. Wag ka iyak ng iyak mommy baka BF ka madedede sayo ni baby pagiyak mo. Hugs to you 😘😘😘