Help :( First time mom

Hi mga momshies first time mom ako and 6 day old palang ang baby girl ko. Kaso hirap ako mag adjust sa tulog kasi sa gabi as in mayat maya nagigising sya at sa umaga naman tulog lang sya maghapon kaso di naman ako makatulog ng hapon di ko sya masabayan di ako makatulog :(

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yun baby ko nun new born sya 4 to 5 x sya nagigising sa gabi.. pero mabilis din nmn makatulog once na maka milk at mapa burp na maya maya tulog na.. ganun din ako ndi ko din masabayan ang tulog nya sa umaga ndi kase ako sanay matulog pag araw... then wala pa sya 1 month nagbago n sched nya.. ngaun mag 2 mos n sya 2x n lang sya gumising sa gabi... 12mn at 3 to 4 am kaso mas matagal n sya gising bago mag sleep..

Magbasa pa

tiis lang mommy. magbabago pa naman sleeping pattern ni lo. hindi pa kasi siya sanay sa outside world. nagaadjust padin siya just like you na nagaadjust sakanya. isipin mo nalang mommy na minsan lang baby si lo kaya konting tiis lang. I also have an experience na sumusuko nko magpa breastfeed pero naiisip ko na minsan lang tong chance na to at hindi ko to icocompromise

Magbasa pa

ganyan po tlga ang newborn kasi hnd pa cla nakakakita at nakakarinig..kunting tiis lang momshie..magbabago din po yan utay utay..pagnakakaaninag n at nakakarinig n un magsisimula n cla magbago..pagnag 2months n cla momshie un start n hnd kn maxado mapupuyat..danas ko yan kasi 4 ang anak ko at ung pang apat ko ei 2weeks and 5days plang😃

Magbasa pa

Ganyan po talaga. Sobrang nagaadjust pa si baby at di niya pa alam yung araw at gabi. Mga 2-3months pa sigurong ganyan kayo. Tiis tiis lang po. Sa una lang naman yan. Lahat naman yata pinagdaanan ang puyat sa mganewborn babies. Kayang kaya mo yan, paliwas ka nalang kay mister kung di na kaya ang puyat. Tulungan kayo.

Magbasa pa

Hi momsh! Ganyan din po ang baby ko nung newborn pa lng sya mula 9pm ng gabi hanggang 4am gising sya kaya parang zombie na tlga ako nun. But nung mag 1 and half months na sya bigla na lng sya nagbago. Lalo na nung natuto na dumapa bago sya mag 3months ayaw na nya gaano magpakarga and kusa na lng sya natutulog.

Magbasa pa

ganun po talaga sis. ako din nun mukhang zombie nung 1st week ni baby to the point na sabi ng OB ko pagbalik namin for check up na kelangan ko matulog. 😅 gawa kayo sked ng kung sino kasama mo ngayon mag alaga para makakapower nap ka man lang. 😊

Same here sis, 6 days old plang baby boy ko.. Ganon din gawain nya, nung una sobrang hirap aq halos maiyak nlng aq sa sobrang antok ngyn medyo nkakapag adjust nko, sabayan mo lng tlga sya pag tulog sya un lng tlga mabisang gawin.. Kaya yan mamsh

6y ago

Ayy okay momsh. Kaya natin to!! haha. puyatan pa more.

hi mommy! I think normal po sa lahat an after manganak puyatan din.. both mommy and baby ngaadjust pa..pero later on makakasanayan mo na din mommy and u will also learn the time management, kaya mo yan mommy ☺ so many 1st to happen.

Ganyan rin baby ko, 3 weeks na sya bukas. Grabe yung puyat, kaya kung tulog si baby. Dapat tulog ka rin. Huhu mangiyak ngiyak na ako tuwing madaling araw nga, dahil sa pagod. Iba talaga pag nanay ka na.

Ganun lang talaga sis. Di pa kase nila alam araw at gabi kaya madalas baligtad pa sa kanila. Ikaw talaga mag-aadjust. Iwasan mo na lang mag-isip o gumawa ng kahit ano kapag hapon para antukin ka din.

6y ago

problema ng tulog sya sa baba kaso ang dami namang tao sa ibaba di ko maiwan hahyysss nasa bahay kasi kami ng fam ng hubby ko kaya kailangan makisama