Little one
Mga momsh konting words of wisdom naman, FTM here, 1week pa lang si LO kaso nahihirapan na po ako kasi ayaw nia magpatulog sa gani literal na nakarga lamg siya, pag binaba sa higaan umiiyak, nahihilo na po ako sa pagod at puyat tapos ngayon nakakarga na nga siya iyak pa din siya ng iyak? di ko na alam gagawin ko, feeling ko nagkakaraoon na ko ng panic attack pag umiiyak na siya, natatakot na din ako gumabi means kasi na simula na naman kami ng routine namim, i feel ao helpless mga momsh???
Ganyan din ako dati mommy, ang hirap ng every 2 hrs gising si baby (minsan wala pa 1 hr). Naliligo ako 5 mins lang kasi pag naramdaman ng baby ko na wala ako umiiyak sya. Kakain ako kalahati lang kasi bigla sya iiyak, tapos pag napatahan ko na,malamig na pagkain ko.. Magugulatin kasi baby ko konting kaluskos lang nagigising, kaya ang ginawa ko tinry ko sya i-swaddle. Para pag nagulat at nagising sya feeling nya may nakayakap sa kanya. At tsaka hindi din sya makatulog ng mahaba pag sa kama lang nakahiga. Ginawan namin ng duyan, ayun mas mahaba ang tulog minsan nakaka 4 hrs straight. Kapag may topak at ayaw sa duyan, tinatabi ko sakin, natutulog ako naka tagilid, para pag nagising sya, aangat ko lang yung shirt ko para padedein π. Magbabago pa naman yan tulog nya mommy kapit lang, mga 3 months mapapansin mo mas mahaba na tulog nya sa gabi. Siguro mga 2 or 3 times ka na lang nya gigisingin para dumede tapos tulog na sya ulit.
Magbasa parelate ako momsh. ftm din ako. honestly speaking po magworsen pa yan momsh.. kami po 1mo and 13days na ni lo ko.. and still fighting pa din with all the pagod puyat stress nerbiyos.. lahat lahat na.. mas gumagrabe na ang pagwawala nia at mas madalas na din talagang ayaw magpalapag.. pag ihi mo, pagkain, karga mo pa rin sya. darating sa puntong pati ikaw maiiyak na.. you will feel helpless and restless.. pero at the end of it all, maiisip mo, hindi naman sila forever baby, hindi mo sila forever kakargahin, kaya hanggat pakarga pa sila sau, take your time. cause time flies fast. magugulat ka na lang isang araw momsh, may dalaga or binata ka na.. πππ enjoyin na lang natin ang journey na to. mahirap man, pero mas nangingibaw ang sayang kaakibat ng pagiging mga bago nating ina. πππ i hope nakagaan sa loob mo sis.. wala naman tayong hindi kakayanin para sa anak natin eh πππ
Magbasa paSis wag nyo sanayin sa karga baka naghahanap ng karga kaya ayaw magpababa.. Ganyan din baby ko 1 to 3 weeks siya. puyatan tlaga dahil mayat maya siya gigising iiyak ayaw magpababa lalo sa madaling araw. Ang hirap tpos cs pa ko hirap gumalaw, naiiyak nalang ako kahit nanjan asawa ko para tulungan ako pero ang hirap tlga.. pero ngayon mejo ok ok na.. Normal lang yan kasi parehas kayo nag aadjust ni baby Magiging ok din yan. Aralin mo lang si baby mo kung ano mga kailangan niya. Marami kasing dahilan bakit umiiyak ang baby. Enough ba ung nadede niya? Dapat busog na busog siya pag nilapag niyo sa kama promise magiging derecho din tulog nyan. O kaya naman Na burp ba siya ng maayos? Baka naman basa ang diaper or may pupu? Yan lang naman mga dahilan bakit iiyak ang baby eh. Kami ng baby ko mag 1 month na siya pero puyatan parin tlaga, tyaga lang.
Magbasa paHays. Nakakarelate din ako sau mamsh. Ang lucky ko lang andito si mother ko para makatulong ko. Palitan kami ng paghele pag tinotoyo na si baby. CS pa man din ako so nung first few days hirap pa kumilos. Sanay naman ako sa puyatan pero iba ung puyat pag me baby tapos sasabayan pa ng napakalakas na iyak na di mo malaman kung anong dahilan. Bigyan mo ng dede ayaw, buhatin mo at ipaghele ayaw din. Halos maiyak ako nun. Si mother ko to the rescue, napapatahan naman niya. Pero onting tyaga lang mamsh. Yung panic attack mo, baka cause lng ng postpartum yan. Well normal naman yan sa after birth. Sana meron ka din makatulong. Mahirap tlg kung magisa lang. Si LO ko ok na ngaun. 3mos n siya. Hindi na masiyadong toyoin.
Magbasa paHay relate ako mamsh. Pahirapan tlga lalo pag nsa labas asawa ko di ko na alam gagawin ko iyak.ng iyak ayaw magpababa dko na natapos ung mga gagawin ko. Gus2 nya naka dede lagi sakin kahit tulog gus2 nkadede parin kya mayat maya karga ko siya. Iiyak pag nawala ung dede ko kaya napilitan akong ipacifier siya. Tpos sa madaling araw puyatan tlga, naiiyak nalang ako dahil sa puyat at pagod kahit nanjan asawa ko pra tulungan ako pero feeling ko parang hirap na hirap ako at feeling ko mag isa lang ako.. kso inisip ko pag tinuloy ko ung ganitong feeling eh baka matuluyan ako sa postpartum depression kaya nilalabanan ko.. kawawa baby ko pag nangyari un. Kaya tyaga tyaga nalang tlga. Kaya mo yan hindi ka nag iisa
Magbasa paWala ba si hubby momsh or wala bang pwede maka relyebo sa iyo? Hindi mo talaga kaya yan ng mag isa ka lang, although i salute those mommies na kinaya lahat.. You need help pa rin naman, kasi pagka ganyan baka magkasakit ka rin. Base sa experience ko, sa umpisa lang ganyan ang feeling mo kasi nag aadjust kapa rin bilang bagong mommy, gradually ma eenjoy mo rin yan momsh. Basta advise ko sayo, patulong ka sa daddy ng anak mo or sa parents mo para kahit papaano hindi mauwi sa postpartum depression yang nararamdaman mo. Kaya mo yan momsh! πͺ
Magbasa paNaku mommy sad to say itβs not gonna get better anytime soon, sabi ng iba 3 mos dw ookay na, si baby ko mga 4months nako nakakatulog ng okay pag gabi pero pagising gising pa dn xa. Kung pde magpatulong ka kasi mahirap talaga, ultimo ligo cr suklay ng buhok d ko magawa dati kasi gusto lagi karga, tried white noise, duyan, play music waley lahat. D niya type. Ngayong malaki laki na siya ginagawa niya kasi pampatulog dede ko, natuto nko magpadede ng side lying kaya ayun medyo umayos ayos kami.
Magbasa paNormal lang sis nag aadjust pa si baby. Hanapin mo lang kung ano gusto niya.. Sa baby ko sinanay ko na may lullaby pag matutulog o kaya kinakantahan ko siya kaya pag meron ng tugtog aantukin na siya. Tapos hahawak hawakan ko ung noo, tenga at ilong nya gustong gusto nya ayun hihikab na un matutulog na. Sa gabi naman sinanay ko siya na pag 7pm dim light na tapos naka tugtog na ko ng lullaby alam nyang oras na ng tulog. Kaya eto mag 1 month na baby ko ganun parin ginagawa ko.
Magbasa paDi ka nag iisa sis. Kaya mo yan mommy. Saka 1st - 2nd month lang ganyn si baby. S nabasa ko, gnyn tlga baby kasi nsa outside world n sila nkkramdam din sila ng takot. At tanging comfort nila ay tayong mga ina nila, maramdaman n secure sila. Breastfeed k? Check mo bk di sapat nadedede ni baby kaya minsan panay p rin iyak nya khit dumede n sya. Tiis tiis lang muna s mga puyat at pagod. Samahan mo ng kanta mommy pag karga mo si baby mktulong maging relax si baby.
Magbasa paNormal po sa baby yan sis. Isipin mo na lang na galing sila sa sinapupunan mo, bago lang para sakanila ang outside world, natatakot sila nilalamig at yung kalinga mo lang ang magpapakalma sakanya. FTM mom din po ako. Hirap nq hirap din ako nung first two weeks ni lo ko. Ginagawa ko nag search ako sa Google at nanood sa Youtube ng mga ways para mapakalma ko si lo. Try mo din magsearch sis tapos hanapin mo kung ano ang suitable sa baby mo.
Magbasa pa
first time mom! β€β€β€