FTM here 30 weeks pregnant
Mga mi baka po pwede manghingi ng tips and help kung ano yung mga essentials needs ni baby na proven and tested niyo na. Like sa wipes, bath soaps, diaper etc. 30 weeks na po ako now and until now hindi ko pa din alam ano mga uunahin ko. TYIA po mga mi.

Basic na ang mga diaper, newborn clothes, etc. Pero bukod dito, Ito ang mga MUST HAVES for me (mom of two) 1) Dry wipes/cotton pads na binabasa ko ng pure water pampunas ng pwet - ang wet wipes maraming chemicals that can cause more rashes, even the unscented ones may preservatives. Manipis ang balat ng babies kaya mas nakaka-absorb ng harmful chemicals from regular wipes. Plain water is the BEST. 2) Mild cleansers for bathing from trusted brand. Choices ko ang cetaphil, mustela, or lactacyd kung may budget. Hindi nahiyang ang mga anak ko sa tinybuds. 3) Nasal Aspirator and saline nasal drops. Madalas barado ang ilong ng babies kaya iritable sila at minsan hirap magdede at matulog. Kung matanggalan sila ng bara sa ilong/sipon mas makakaginhawa sila at relax lang magdede at matulog. 4) Diaper Cream. Recommended ko ang Drapolene or Calmoseptin. Mabilis makawala sa diaper rash. 5) A good fit breast pump. Hindi kelangang mahal basta tama ang fit ng pump sa nipple size mo. Kung plano mo mag breastfeed/pump (and i highly recommend and advocate breastfeeding), makakahelp ito na dumami ang milk supply mo. 6) Mahabang pasensya at pagmamahal. Mahirap ang bagong panganak. Nothing ever really prepares you for it. Mapupuyat ka, mapapagod, at lahat ng matinding sakripisyo. Ibubuhos mo ang sarili mo sa pag aalaga ng baby mo kaya kelangan meron ding mag alaga sa iyo. Whether si husband mo, parents, in laws etc. always ask for help. Pero sulit talaga ang sakriprisyo ng motherhood.
Magbasa paWhen my LO was still a new born, we used Kleenfant Unscented Wipes and Diaper. Then, we changed to Huggies Diaper kasi mabilis na mapuno kay LO yung Kleenfant (I think ok siya for new born babies kasi frequently ka magchange ng diaper) Unfortunately, after a few months nagka UTI siya so nagchange kami both wipes and diaper. Currently, gamit na ni LO is EQ Baby Wipes (99.9% water, watery talaga unlike sa Kleenfant na medyo dry). Then, sa diaper, proven and tested talaga is Drypers (best siya lalo na sa gabi, naaabsorb niya yung wetness and pang matagalan siya. Syempre mommy need palitan as much as possible yung diaper para di mababad yung private area ni LO sa ihi). So far ok naman si LO😇 Sa bath soap, someone gifted us Cerave (pricey siya, but mild and unscented. I think mas ok yung ganyan for LO. Usually kasi unscented ang recommended ng mga dermatologists diba😉)
Magbasa paWipes - basta water wipes dapat 99% water (check mo padin ingredients kasi yung iba may chemical padin, malalaman mo naman pag water lang talaga and or may kasamang natural ingredient like aloe ganun) and unscented dapat. Bath Soap - usually 2-in-1 ang lagi kong binibili (head and body) Cetaphil and Drypers ang trusted brands ko. Diaper - Trusted ko na huggies, nagtry na ko ng ibang mas mahal na brand at cheaper mas okay talaga sa baby ko huggies. kaya bumabalik padin ako sa brand na yan. Alcohol - make sure na walang moisturizer ang gagamitin mo kay LO para sa pusod niya. You need cotton balls din or squares. I have 3 kids na, yan talaga mga gamit ko. kung sa private hospital ka manganganak usually di mo na need magdala for baby eh, kasi provided na yun nila. (kasama sa bayad) new born outfit, liquid bath soap, diaper. Take home outfit niya na lang ang dadalhin mo.
Magbasa paDiaper- huggies for new born sakto ito ylga s mga new born unlike s ibng diaper. Wipes- unilove unscented wala nmn nging problem sa anak ko. Bath shower gel- Mustella or cetaphil baby bath hair and body na ito. Wag ka muna bumili ng breast pump. Kasi sayang sya if di nmn ganun kalakas ung gatas mo. Bili ka na rin paliguan ng baby. Then sa crib bilhn mo yung kahoy maggmit until 1yr old and up makakatulong rin to kapag naggabay o tumatayo n ung baby mo. For you naman. Bili ka ng binder para s tummy mo pede yung sa CS and normal.
Magbasa paSa wipes sakin mi ang nakapid po ni LO is snugglies baby wipes sa S&R available sya. Sa bath soap po naka try ako ng mustella hindi nya nakapid nag switch ako sa cetaphil baby. Sa shampoo po nya mula pinanganak sya mustella po gamit nya and sa diaper po kapid ni LO is rascal or pampers po.
cherub wipes po, tapos EQ DRY na diaper tapos sa bath po lactacyd.
Basta unscented po. di misyadong matapang sa balat ni baby.



