Little one

Mga momsh konting words of wisdom naman, FTM here, 1week pa lang si LO kaso nahihirapan na po ako kasi ayaw nia magpatulog sa gani literal na nakarga lamg siya, pag binaba sa higaan umiiyak, nahihilo na po ako sa pagod at puyat tapos ngayon nakakarga na nga siya iyak pa din siya ng iyak? di ko na alam gagawin ko, feeling ko nagkakaraoon na ko ng panic attack pag umiiyak na siya, natatakot na din ako gumabi means kasi na simula na naman kami ng routine namim, i feel ao helpless mga momsh???

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wala ba si hubby momsh or wala bang pwede maka relyebo sa iyo? Hindi mo talaga kaya yan ng mag isa ka lang, although i salute those mommies na kinaya lahat.. You need help pa rin naman, kasi pagka ganyan baka magkasakit ka rin. Base sa experience ko, sa umpisa lang ganyan ang feeling mo kasi nag aadjust kapa rin bilang bagong mommy, gradually ma eenjoy mo rin yan momsh. Basta advise ko sayo, patulong ka sa daddy ng anak mo or sa parents mo para kahit papaano hindi mauwi sa postpartum depression yang nararamdaman mo. Kaya mo yan momsh! 💪

Magbasa pa