Little one

Mga momsh konting words of wisdom naman, FTM here, 1week pa lang si LO kaso nahihirapan na po ako kasi ayaw nia magpatulog sa gani literal na nakarga lamg siya, pag binaba sa higaan umiiyak, nahihilo na po ako sa pagod at puyat tapos ngayon nakakarga na nga siya iyak pa din siya ng iyak? di ko na alam gagawin ko, feeling ko nagkakaraoon na ko ng panic attack pag umiiyak na siya, natatakot na din ako gumabi means kasi na simula na naman kami ng routine namim, i feel ao helpless mga momsh???

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako dati mommy, ang hirap ng every 2 hrs gising si baby (minsan wala pa 1 hr). Naliligo ako 5 mins lang kasi pag naramdaman ng baby ko na wala ako umiiyak sya. Kakain ako kalahati lang kasi bigla sya iiyak, tapos pag napatahan ko na,malamig na pagkain ko.. Magugulatin kasi baby ko konting kaluskos lang nagigising, kaya ang ginawa ko tinry ko sya i-swaddle. Para pag nagulat at nagising sya feeling nya may nakayakap sa kanya. At tsaka hindi din sya makatulog ng mahaba pag sa kama lang nakahiga. Ginawan namin ng duyan, ayun mas mahaba ang tulog minsan nakaka 4 hrs straight. Kapag may topak at ayaw sa duyan, tinatabi ko sakin, natutulog ako naka tagilid, para pag nagising sya, aangat ko lang yung shirt ko para padedein 😁. Magbabago pa naman yan tulog nya mommy kapit lang, mga 3 months mapapansin mo mas mahaba na tulog nya sa gabi. Siguro mga 2 or 3 times ka na lang nya gigisingin para dumede tapos tulog na sya ulit.

Magbasa pa