Little one

Mga momsh konting words of wisdom naman, FTM here, 1week pa lang si LO kaso nahihirapan na po ako kasi ayaw nia magpatulog sa gani literal na nakarga lamg siya, pag binaba sa higaan umiiyak, nahihilo na po ako sa pagod at puyat tapos ngayon nakakarga na nga siya iyak pa din siya ng iyak? di ko na alam gagawin ko, feeling ko nagkakaraoon na ko ng panic attack pag umiiyak na siya, natatakot na din ako gumabi means kasi na simula na naman kami ng routine namim, i feel ao helpless mga momsh???

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang sis nag aadjust pa si baby. Hanapin mo lang kung ano gusto niya.. Sa baby ko sinanay ko na may lullaby pag matutulog o kaya kinakantahan ko siya kaya pag meron ng tugtog aantukin na siya. Tapos hahawak hawakan ko ung noo, tenga at ilong nya gustong gusto nya ayun hihikab na un matutulog na. Sa gabi naman sinanay ko siya na pag 7pm dim light na tapos naka tugtog na ko ng lullaby alam nyang oras na ng tulog. Kaya eto mag 1 month na baby ko ganun parin ginagawa ko.

Magbasa pa