kababata ni hubby

Mga momsh may kababata si hubby nangutang samin need lang daw at emergency syempre kami po tiwala kami saka maganda naman kausap yung kababata ni hubby parehas naman sila may trabaho mag asawa. Sabi kasi sa darating na sahod nila nung buwan na hiniram nya yun ibibigay agad Pero 3months na wala parin po kapag tinatanong ko kaumy hubby hindi naman nagpaparamdam daw ni hindi daw siniseen yung chat nya tapos dati panay comment sa pic.namin ngayon wala na. Ghosting na ang nangyare madali naman kami kausap eh waglang kami lolokohin ng ganyan madali nila kami lapitan basta meron kami. Sobrang naiinis ako kasi bakit naging ganun sila pera lang yun pero yung pinagsamahan nilang dalawa ni hubby iba sanggang dikit sila.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hays. Ako naman nagpahiram ako ng 5k sa pinsan ko. Galing yun sa ipon ko para sa panganganak ko next month. Ang sabi niya sakin, weekly niya babayaran. Hindi ko siya matanggihan kasi sa kanila ako nakatira temporarily. Para daw yung pera na yun panghulog sa cellphone na kinuha niya sa Aeon na sa akin din nakapangalan, bayad sa utang niya sa mayari ng bahay, at para sa damit ng mga pamangkin ko pangchristmas party. Sabi ko basta ibalik niya before ako manganak. Nagagalit yung nanay at tita ko dahil hindi niya naisip na malapit na ko manganak at ako lang magisa ang nagiipon para sa panganganak ko (single mom). Hindi ko alam kung babayaran ako. Hindi ko kasi nature ang maningil. Kung maaari sana, kusa magbabalik. Hayss.

Magbasa pa

Sad to say pero mukhang di niyo na mababawi yon. Make it a lesson nalang. Mahirap talaga magpautang especially sa mga kaclose and family. Isipin niyo nalang na tulong and farewell gift niyo nalang yon sakanila, atleast nakita niyo na hanggang dun lang sila sa life niyo. Blessing in disguise kung naga. Anyawa, mabigat yung 4k ha sa totoo lang pero wala, hayaan niyo na. Si Lord na bahala magbalik non sainyo.

Magbasa pa

Kaya never na ako nagpapautang except family, pag in need talaga. May friend ako na ganyan, pinahiram ko kaagad ng pera nung di pa rin nagbabayad, ni message ko pero sineen lang ako. 🙄 Ayon hindi ko na siya kinakausap. Bahala siya.

VIP Member

Kaya ako d nagpapautang ng malaki magkasamaan na ng loob kasi maliit na pera nga lng khirap nila bayadan un malaki pa haha di nmn kmi nag ipon para sa knila,

Ako nga umutang sakin ng july 15, babayaran daw ng july 30. Anong petsa na di pa din nagbabayad. Nakakabwisit. Iniisip kung ipatulfo na.

5y ago

7k din. Abuloy na lang sa kanila. Hahahahaha