Emotional

Hi mommies. Mag share lang po ako ng feelings ko. Ang bigat na kasi. 16w preggy po ako at ang bilis ko mainis o umiyak lately. Well, mababa po talaga luha ko pero ngayon po kasi hurt din ako. May bestfriend na girl si hubby. College pa lang sya bestfriends na sila. Then na stop ang communication nila last 2012. Nakita ko na naguusap na ulit sila since last year lang. Kilala ko si girl dahil nakwento sya sakin before pero di ko pa sya namimeet in person. Lately, laging bumibisita si girl malapit samin since friends din sya ng mga kababata ni hubby. Every time na bibisita sya, lagi nya niyayaya si hubby na pumunta din don sa place. Nung una ok lang sakin since mga kababata nya din naman yung nandon. Last night, bumisita ulit si girl at pumunta ulit si hubby. Pag uwi ni hubby nakainom sya so nag check ako ng phone nya. May pamilya na din si girl at mukang wala naman silang romatic relation ni hubby pero sobra po ang selos ko nung nabasa ko na sabi ni hubby pag may chance daw ay bibisitahin nya si girl sa office at lalabas sila. "date" pa nga ang term nya. Sabi pa ni hubby "bakit kasi nawala ang communications natin, wala tuloy ako mapagsabihan ng problema ko". Napaiyak na lang po ako sa sakit dahil sa sobrang selos. Naisip ko, bakit naghahanap sya ng mapagsasabihan ng problema nya e nandito naman ako na ready makinig at damayan sya. Sobrang sama lang po talaga ng loob ko. May tiwala po ako sa kanya pero selos na selos ako. Balak ko po sya kausapin bukas para iopen up yung naramdaman ko. Kaso nagdadalawang isip ako kasi baka over acting lang ako. Ano po sa tintgin nyo?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Momsh ok lang yun kausapin mo siya sa nararamdaman mo. Especially pregnant ka bawal sayo ma stress ng sobra. Tayo oa namang preggy mas emosyonal ako nga nilike lang ng asawa ko at nag follow sya sa ig inaway ko na sya ng bongga! Haha pero sis if may date na term ooops iba na yun lalo both silang commited na.

Magbasa pa
5y ago

Yun na nga po e. Medyo naginit talaga ulo ko. Hehehe ang sakit lang kasi. Lagi nya sinasabi sakin na gusto ako makilala ni girl. Pero bakit ayaw nya dalahin sa bahay since malapit lang naman yung pinupuntahan nila. Thanks sa reply sis ha. Pag gising nya kakausapin ko sya. Mukang lasing kasi kagabi kaya di ko na kinusap.baka di lang din maganda maging ending kaya hinayaan ko muna matulog.