Backstab

Share ko lang mga mamsh kasi naguguluhan din ako Yung ate kasi ni hubby hilig mangelam wala naman sya dito sa pinas nasa Germany sya isang ofw maid ang trabaho nya may anak din sya na naiwan dito sa pinas 19 yrs old na din pero walang tatay o asawa Nung nag bubuntis palang ako nangengelam na sya samin pinupush nya yung hubby ko na mag loan Nung nag loan na si hubby ko gusto ng ate nya na yung hubby ko ang sumagot ng mga gastusin ng kuryente ng kuya nila at nung Renta sa bahay Tapos sinabi nya sa hubby ko na wag sasabihin sakin na nag loan sya (nalaman ko na nag loan sya kasi nabasa ko convo nila pag open ko ng phone ni hubby yun agad ang bumungad kaya naines ako kasi tinuturuan nya hubby ko na mag sinungaling sakin) Tapos puro tanong yung ate nya na kung masipag daw ba ako Bat di ko daw tinutulungan yung hubby ko na mag tinda bat daw ayoko ibigay yung baby ko sa mama nila (pano ko ibibigay baby ko ehh wala naman dun mama nila laging nasa sugalan at kung nandun man mama nila or let say MIL ko ayoko talaga ibigay kasi after sa sugalan di man lang nag huhugas ng kamay) Tapos ang pinaka ayoko sa lahat Si hubby kasi nag bibigay ng 2k at pinag gogrocery nya magulang nila sabi ng ate nya bat daw 2k lang ang binibigay Bat daw di natulong magulang ko samin ehh halos yung gamit namin sa magulang ko galing yung stroller yung rocker yung damit at diaper ni baby minsan sila din yung nabili dito wala na nga kaming binayad sa hospital dahil instead na private hospital dahil dun naman talaga ako nag pa check up at yun talaga ang usapan namin bigla bigla nila akong dinala sa public hospital kaya sobrang dissapointed at frustration ko that time kasi usapan private tapos dadalhin ka nila sa public kahit parents ko dissapointed pero pinalagpas ko na yun ehh eto lang talaga yung nakakaines yung pangengelam ng ate nya Pasensya na kung magulo yung kwento ang hirap din I explain Di ko ma kausap pa si hubby kasi alam ko kahit papano ate nya yun kaya nag lalabas ako ng frustration dito sana maintindihan nyo

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Communicate with your husband. Sabihin mo sa kanya na di ka comfortable sa ganung comments ng ate niya. Kapag kasi di nya sinisita iisipin ni ate niya na okay lang at tama sya. Di niya intention na masaktan ka pero naiiipit lang din sya sa sitwasyon dahil daming ekek ng ate niya. Talk to him paano nyo maaayos yan, nasa tamang edad na kayo, kasal naman kayo. Kayo na dapat nagdedecide about sa mga bagay na involve kayong dalawa. Iwas iwasan niya ate nya or talk frankly para makaramdam. Mahirap ding kimkimin kasi once na sumabog ka baka makapagsalita ka ng mga di magaganda, o kaya naman manghinayang ka lang sa mga oras na sana inopen up mo nalang yan kay hubby. Yun talaga ang toxic Filipino culture eh, di nauubos ang utang na loob. Kesyo dapat sustentuhan mo magulang mo, kahit may sarili ka ng pamilya makikielam pa rin ang immediate family. May mga ganun talaga. Open up with your husband, he will understand your frustrations

Magbasa pa
5y ago

Thank you po sa advice alam ko naman po naiipit si hubby sa sitwasyon namin kaya d ko po sinasabi sakanya gusto ko man po sabihin kaso baka mag away lang kami kasi alam ko ma o offend din po sya sa sasabhin ko kasi ate nya pa rin po yun

Sis Kayo Po Ang kasal. Kayo Po ung pinag Isa. Ikaw Po Ang partner Niya.. ano man Po Ang decision Ng asawa mo dpat Po involved ka.. mas ok Po n humiwalay Kayo sis kesa makipisan. Pinang gagalingan Po talaga Yan ng away. Sabhin mo din sa asawa mo Kung ano say mo sa mga nangyayari..

5y ago

Hihiwalay naman po kami kaso pinapagawa pa po namin sa July pa po kami makaka lipat

mag open up k p rin s knya. asawa mo un need nia malaman ung side at explanation mo. peo grabe nmn ung ate nia. at tama ung ginagawa mo kay baby wag mo bibigay s mil mo kung nsa sugalan lng pla tas d p malinis lalapit n agad s bata.

5y ago

Yun nga mommy ehh ingat na ingat ako sa anak ko pag nag grocery o galing ako sa palengke pag uwi ligo agad ako pero MIL ko labas ng labas pag uwi uupo katabi namin ako yung aalis so far kasi pinapa ayos na namin yung bahay na tutuluyan namin kaya d pa kami makalipat agad