Pa labas po ng sama ng loob
Nagbabalak po ako mag abroad usapan namin ni hubby sya nalang kasi nga po babae anak namin at isa po ayoko talaga iwan pero kapag nag aasikaso sya palagi nagkakaproblema ngayon po isang kababata ko nag alok sakin after this situation na nangyayare kukunin nya ko babae po sya maganda na kasi work nya abroad nag aayos na po ako ng mga papers ko.now nalaman ng mga kapitbahay namin kasi nga po lumalabas ako kukuha ng psa ganito ganyan tapos nakakwentuhan pa nila mother in law ko malapit lang kasi bahay namin sa byenan ko naiiyak po ako sasabihin nila sakin wala daw akong kwentang asawa at ina kasi iiwanan ko anak ko at asawa ko😠nag usap naman po kami mag asawa parehas kami mag aapply kung san agency nag apply kababata ko kung sino matanggap sya aalis kapag ako dun ako titira sa kababata ko sa apartment nila kapag si hubby dun sa mga pinsan nya.Ang dami dami ko po naririnig natatakot ako na baka kapag ako umalis siraan nila ko sa anak ko. Sa asawa ko po walang problema kasi kilala nya ko kapag trabaho trabaho lang talaga ko. Kapag hindi kami nag abroad isa samin wala pong mangyayare nga nga lumalaki na anak namin lumalaki narin ang gastos kung parehas kami mag tatrabaho dito sa pinas walang mag aalaga sa anak ko matanda na byenan ko aya naman ni hubby iuwe ko sa province anak namin ayaw nya malayo samin dalawa kaya need mag abroad ng isa tapos yung isa mag aalaga sa anak namin. Plsss penge po adviceðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ gagawin lang naman po to for our future saka 3years contract lang naman po goal kasi namin makabili lang ng lupa at makapag patayo ng sariling bahay kahit maliit lang.