Single Teen Mom: Need Help and Advice!

Hello mga mommies. need ko lang po ng help sa inyo na may mga life experiences napo as a mom and also as an adult. share ko lang po situation ko, I am 18 y.o and I got pregnant at my early age in life. alam ko po medyo maaga pa to become a mom but that was my fault and I don't regret having my baby. willing naman po ako magsumikap at lumusot sa butas ng karayom para sa baby ko. hingi lang po sana ako ng advice sa kung paano po ba ang pagiging isang ina lalo na I am a single teen mom. so wala talaga po akong maaasahan kundi sarili ko lang... paano po ba maging ina sa henerasyon natin ngayon? paano po maging mabuting ina? paano po ba magalaga ng baby? ... gusto ko po sana na kahit hindi ako pinanindigan ng tatay ng baby ko at bata pako para sa gantong bagay ay handa akong gawin ang lahat para lang maging proud sakin ang baby ko. I want my baby boy to be proud of me as his Mom. I want to make things right for my baby. may mga advices din po ba kayo about sa job po? ano po ba ang magandang work for a pregnant single teen mom? I am 6 months pregnant na po ngayon... sana po matulungan niyo ako. salamat po mga mommies.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa ganyang thinking mo, it will make a good start. Ipagpatuloy mo lang, iba iba yung pwede nating pagdadaanan or pinagdadaanan sa buhay. Wala namang standards ang pagiging isang mabuting ina. Ang nagiging common denominator lang nating mga mommies ay ang walang hanggang pagmamahal natin sa ating mga anak. Lahat naman tayo handang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng ating mga anak. Tatagan mo lang loob mo, dear. Di biro ang buhay mo na ngayon. Just always seek guidance kay Lord. Di magiging madali sa una para sayong single teen mom, pero alam kong kayang kaya mo yan. Better din na meron kang makuhanan ng solid na support system from family and/or friends para kahit papaano merong mga maggaguide, kung kailanganin mo man. God bless, dear!

Magbasa pa

maternal instinct lang makakapag turo sayo kung ano tama gawin...walang perpektong ina kaya gawin mo lang kung ano sa tingin mo ang dapat para sayo at para sa baby mo. hndi mo kailangan gayahin si nanay number 1 at nanay number 2 and so on. iba iba po tayong lahat. regarding naman sa trabaho...hndi ka pa naman makakapag trabaho ngaun buntis ka...after mo manganak cguro bgyan mo naman ng time sarili at baby mo muna bago ka mag work. ikaw lang makakapag sabi nyan kung kailan ka na ready mag sacrifice na iwanan muna panandalian buong mag hapon baby mo. madame ka pwede pasukan. pwede ka mag take ng civil exam since 18 ka na tapos mag work sa gov. if you want

Magbasa pa

Experience is d best teacher. I was 18 also when i gave birth to my eldest daughter. Her father left me, i mean aq pala nang iwan rather kse my 3rd party sya. Ang mahalaga supportive anv parents mo and lakasan mo ang loob mo. Pnasok mo yan so dpt handa k smga ssbhin ng pamilya mo at ng ibng tao.. Pati sa lahat ng pagsubok n pgdadaanan mo.. Kaya mo yan.. Sa umpisa lng nmn mahrap. Mrerealize mo at d end of d day., ang dami mong natutunan sa life experience mo.. You will not be d same woman u were used to be...... 😊😊😊😊

Magbasa pa

Pag manganak kana malalaman mo at matutunan mo nalang pano maging ina. Pano magalaga ng baby. Sa ngayun mag search ka, magbasa ng mga articles about sa pagalaga ng newborn, manuod sa youtube. Yun ang ginawa ko kasi kami lang ni hubby ang mag ka sangga mula ng magbuntis at manganak. Adjustment lang talga. Wag kalang muna mgwork. Focus sa pagbuntis ng maging healthy kayo preho.Di biro manganak.

Magbasa pa

actually wala talagang eksaktong sagot kung paano ba maging mabuting ina. it comes a long the way kung paano ka maka cope up sa mga gagawin mo.payo ko lang sis, palagi mo isipin ang anak mo, gawin mo syang lakas.kapag pinanghihinaan k ng loob,sya gawin mong inspirasyon. dasal ka lang sis. kasi sa buhay, wala ka ibang maasahan tlga kundi sarili mo, ikaw ang magiging sandalan ng baby mo.

Magbasa pa

bukod sa sarili mo, wala ibang makakatulong sayo kundi pamilya mo, ngyon mo sila mas kailangan kc hindi mo to kakayanin mag-isa at your young age. One thing for sure, continue and finish your studies, yun lang pwde maging foundation ng future nyo ni baby. Wala ibang magtuturo sayo pano maging ina but your own experiences, matutunan mo yan in due time.

Magbasa pa
VIP Member

Always read lang mamsh about parenting, here sa app, on google and even on youtube. Eventually, youll learn how to become a good parent especially if youre the one taking care of your baby😚 Madami ka matutunan base sa pagaalaga mo, etc. Yakang yaka mo yan Goodluck!

VIP Member

Ako wala talagang alam kahit nga mag buhat ng baby dko alam dati hanggang sa natuto na lang ako nag sesearch dn ako lagi sa youtube or google kung ano ggwin pati pag burp dati dko alam yan o kya nagpapaturo ako sa mga kakilala ko or sa mama ko

im 17 nung una ako nabuntis sis . ok lng yan .at 1st mahihirapan ka pero makakaya mo yan bsta always love and tke care of your baby lng talaga .and pray 😊