Single Teen Mom: Need Help and Advice!

Hello mga mommies. need ko lang po ng help sa inyo na may mga life experiences napo as a mom and also as an adult. share ko lang po situation ko, I am 18 y.o and I got pregnant at my early age in life. alam ko po medyo maaga pa to become a mom but that was my fault and I don't regret having my baby. willing naman po ako magsumikap at lumusot sa butas ng karayom para sa baby ko. hingi lang po sana ako ng advice sa kung paano po ba ang pagiging isang ina lalo na I am a single teen mom. so wala talaga po akong maaasahan kundi sarili ko lang... paano po ba maging ina sa henerasyon natin ngayon? paano po maging mabuting ina? paano po ba magalaga ng baby? ... gusto ko po sana na kahit hindi ako pinanindigan ng tatay ng baby ko at bata pako para sa gantong bagay ay handa akong gawin ang lahat para lang maging proud sakin ang baby ko. I want my baby boy to be proud of me as his Mom. I want to make things right for my baby. may mga advices din po ba kayo about sa job po? ano po ba ang magandang work for a pregnant single teen mom? I am 6 months pregnant na po ngayon... sana po matulungan niyo ako. salamat po mga mommies.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa ganyang thinking mo, it will make a good start. Ipagpatuloy mo lang, iba iba yung pwede nating pagdadaanan or pinagdadaanan sa buhay. Wala namang standards ang pagiging isang mabuting ina. Ang nagiging common denominator lang nating mga mommies ay ang walang hanggang pagmamahal natin sa ating mga anak. Lahat naman tayo handang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng ating mga anak. Tatagan mo lang loob mo, dear. Di biro ang buhay mo na ngayon. Just always seek guidance kay Lord. Di magiging madali sa una para sayong single teen mom, pero alam kong kayang kaya mo yan. Better din na meron kang makuhanan ng solid na support system from family and/or friends para kahit papaano merong mga maggaguide, kung kailanganin mo man. God bless, dear!

Magbasa pa