Single Teen Mom: Need Help and Advice!

Hello mga mommies. need ko lang po ng help sa inyo na may mga life experiences napo as a mom and also as an adult. share ko lang po situation ko, I am 18 y.o and I got pregnant at my early age in life. alam ko po medyo maaga pa to become a mom but that was my fault and I don't regret having my baby. willing naman po ako magsumikap at lumusot sa butas ng karayom para sa baby ko. hingi lang po sana ako ng advice sa kung paano po ba ang pagiging isang ina lalo na I am a single teen mom. so wala talaga po akong maaasahan kundi sarili ko lang... paano po ba maging ina sa henerasyon natin ngayon? paano po maging mabuting ina? paano po ba magalaga ng baby? ... gusto ko po sana na kahit hindi ako pinanindigan ng tatay ng baby ko at bata pako para sa gantong bagay ay handa akong gawin ang lahat para lang maging proud sakin ang baby ko. I want my baby boy to be proud of me as his Mom. I want to make things right for my baby. may mga advices din po ba kayo about sa job po? ano po ba ang magandang work for a pregnant single teen mom? I am 6 months pregnant na po ngayon... sana po matulungan niyo ako. salamat po mga mommies.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

maternal instinct lang makakapag turo sayo kung ano tama gawin...walang perpektong ina kaya gawin mo lang kung ano sa tingin mo ang dapat para sayo at para sa baby mo. hndi mo kailangan gayahin si nanay number 1 at nanay number 2 and so on. iba iba po tayong lahat. regarding naman sa trabaho...hndi ka pa naman makakapag trabaho ngaun buntis ka...after mo manganak cguro bgyan mo naman ng time sarili at baby mo muna bago ka mag work. ikaw lang makakapag sabi nyan kung kailan ka na ready mag sacrifice na iwanan muna panandalian buong mag hapon baby mo. madame ka pwede pasukan. pwede ka mag take ng civil exam since 18 ka na tapos mag work sa gov. if you want

Magbasa pa