Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
proud mommy of 2 kids
Rashes
anu po magandang gamot para sa diaper rashes ni baby? sobrang pula na po at nasasaktan na baby ko
Breastfeeding journey
Hello mga sis.share ko lang.super stress ako.i really want na maexclusive bf ang baby ko 2mos. mahirap kapag wala kang supportive environment.5 days pa lang non si baby ng bigyan ng formula kasi inaakala ng mama at husband ko kulang ang milk ko kasi pag nadede si baby naiyak. super tyaga ko pero naddown ako sa kanila.until now nakamix feed si baby.ang mahal pa nàman ng gatas ngayon.humina na milk supply ko. masakit makarinig na hindi daw sapat nakukuhang milk saken at anu pa.pero d pa din ako sumusuko.kahit nipple confuse na si baby, nagppump ako para makainom pa din siya ng breastmilk.at offer ako ng breast pag tulog siya.haaaay. inggit ako s mga mommy na supportive ang environment sa breastfeeding nila.share ko lang experience ko.
Bukol sa areola
helo po mga mommies. kanina po paggising ko may naramdaman po akong bukol sa bandang areola po ng dede ko.masakit po lalo pag nababangga.pag pinapadede ko si baby, super sakit.huhu. anu po kaya ito?kinakabahan ako baka makasama kay baby. at masakit po tlga.anu po ba dapat kong gawin?
Pampaliit ng tyan
helo mga mommies. 1 month na ko nanganak pero ang laki pa din ng tyan ko. tips naman po panu lumiit at bumalik sa dati, nakakahiya lumabas kasi para pa din daw ako buntis, kainis.
Pump
share niyo naman po pumping tips niyo.kelan po kayo nagstart magpump at marami na po ba agad? anu oras po at how many times po sa isang araw? 4 weeks po ang baby ko, mixfeed. gusto ko po kasi breastmilk ko pa din ang naiinom nya sa bottle.
Nipple confused
paano po gagawin pag yung baby ko po na-nipple confused na po? mix feed po ako sa baby ko mag 4 weeks old pa lang po bukas.
Milk
mixfeed po ako sa baby ko 3 weeks old. naglalatch pa din naman po siya sa akin pero pag naiyak na po siya at aayaw na sa dede ko saka po namin binibigyan ng formula. nagttry po ako magpump pero morning lang po ako meron nakukuha kaunti pa po. may chance pa po ba mapurebreastfeed ko siya? kahit sana sa pumping, breastmilk ko ang mapainom ko sa kanya.may chance pa po dumami milk ko and by pumping? working mom po ako pero sa sept pa po back to work. ano pong tips niyo sa pagppump o maparami ang milk?thanks po sa sasagot.
Depressed na
nakakalungkot mga mommies. 3 weeks old ang baby ko inaayawan niya ang dede ko. mix feed po siya kasi wala pa pong gatas na lumalabas saken nung bagong panganak ako.now lagi ko siya pinapalatch, pag nagwawala na siya at niluluwa nipple ko parang nakukulangan, saka namin bibigyan ng formula.siguru sa isang araw nakaka 8 oz sya. kanina nagtry ako,wag talaga siya bigyan ng formula gusto ko kasi pure breastfeed.grabe nagwawala siya grabe ang iyak nag.iiba na kulay nya, niluluwa nya nipple ko.nakakafrustrate.kaya ayun binigyan ko ulet ng formula, grabe pagdede nya gutom na gutom. pag pinipisil ko naman dede ko, may gatas naman.anu po ba dapat ko gawin? nanipple confuse na po ang baby ko, paano ko kaya sya mapa pure breastfeed?help naman po.
Help po mga mommies
Mix feed po ako sa baby ko mag 3 weeks na po sya bukas. gusto ko po kasi pure breastfeed lang siya.pag nadede po siya saken,ok sa una,then iiyak at iluluwa ang nipple ko, pakiramdam ko nakukulangan siya sa gatas ko. natry ko na po siya ihele, kantahan, icalmdown, iiyak lang po siya.kaya minsan naaawa ako, bibigyan ko na siya ng formula. pwede ko ba ioffer ipacifier siya? kasi baka busog na siya gusto niya lang magsuck?nadedepress ako pag nabbgyan ko siya ng formula,huhu. gusto ko pure breastfeed sya. puru latch naman siya saken.ano gagawin ko mga mommies? any tips po ?
mahina ang gatas
mag 3 weeks pa lang ang baby ko bukas. nakamix feed po siya kasi mahina po ang milk supply ko. may chance pa po ba dumami to at mastop ko siya sa formula in the future? lahat naman po ginagawa ko na, malunggay supplement, massage, masasabaw na ulam at kung anu anu pa.nakukulangan talaga sya sa dede ko.pwede na po ba ako magpump? baka sakali dumami supply ko.anu pong tips mabibigay niyo?