Tanong ko lang po sana. Kinakabahan po ako eh.
Mga mommies ask ko lng po sana. 4 months na po akong delay pero wala nmn pong bumubukol o pumipitik sa bandang puson ko po. Nag PT ako positive nmn. Posible po ba d ako buntis? Baka lng po may same case sakin dito๐#firstbaby
b4 ako nag ka baby hormonal enbalance ako 1 month hangang 2 months ako d ako nag kakaroon but sa 1st month palang nag ppt na ako, pero puro positive ang lumalabas sa result ng pt cguro mahigit 100 na pt nagamit kc almost 1year ako ganun na pag nag pt lagi positive pero isang beses nun nag punta na kame bg asawa ko sa ob, din sabi nya kc pasitive pt ko buntis ako , hangang bigla nanaman ako nag karoon nag pa second opinion kme sa iba, din transV daw ginawa ung TransV tapos lab. wala namn nakita na baby pero apat na pt na ako nun. din sabi nila hormonal enbalance nga raw, pinag pills nila ako after six months un dun na buo si baby. sugest ko pa check up ka habang maaga pa para ma guide ka ng OB.
Magbasa paMas maganda po magpa altrasound po Ma'am. Ako po kasi parang 9 days delayed according sa flo app tapos po ng try ako mag PT, tapos nagpositive. eh medyo ayaw pa maniwala kasi baka po umasa na naman po kami kaya ngpa ngpacheck up kami ng partner ko sa OBgyne at inultrasound po ako, and yun nakita dun na my embryo na po tlga and may hearbeat na tapos ang calculation po ng OB po is 5 weeks and 6 days na po ang pagbubuntis ko po. Sa inyo po is positive naman and 4 months na, mas maigi po mgpacheck ng OB para ma ultrasound po kayo Ma'am.
Magbasa pa4 months???!!! Hihintayin niyo pa po bang makaramdam kayo ng pitik sa tiyan para ma confirm kung buntis ka at bago niyo ipa check sa OB? Second trimester na po kayo, kung 4 months at nag hihintay parin ng pitik kawawa naman si baby at walang vitamins. Napaka crucial ng first 3 months. Makakaramdam po kayo ng pitik around 18-20 weeks. That's almost 5 months.
Magbasa paOo nga! Mga nagcocomment na kesho same case dapat kapag delayed kayo ng 2 weeks tapos nakikipagsex kayo e nagpapacheckup kayo. kawawa naman mga baby na nasa sinapupunan niyo kung sakali.
3 months din akong delay non tapos wala rin namang pumipitik sa puson ko pero pansin ko yung paglaki niya. ganyan din pt ko non, naka lima pa nga ako kasi puro faint line. tapos nagpacheck up ako and positive nga talaga. mas magandang magpa check up ka na para maresetahan ka ng mga vitamins and yung pampakapit if ever. tapos inom ka rin ng maternity milk
Magbasa pa4 months kasi di pa gano ramdam ng ibang mommies galaw ni baby di rin halata magbuntis ang iba kaya mas better pa rin na magpacheck-up ka para makasigurado ka kung pregnant ka talaga pero sa PT mo positive eh. Sabi din kasi ng OB ko sakin dati may mga case daw talaga na nagpopositive si PT kahit hindi buntis. Patingin ka na sa Ob-Gyne ๐
Magbasa panatatakot lng po ako kasi before this pregnancy nagka miscarraige ako.
4 months or 4 weeks? kase kung 4 months may baby bump ka na at dapat naka pa cheek up ka na para sa baby at sau kung status niyo. and 4 weeks may vitamins ka na tinitake para sa baby pa cheek up ka na sa ob hindi dito wala makaksagot ng tama dito puro hula lang. napaka nonsense naman ng tanong na yan.
Magbasa paBetter checkup po . kase yung sakin sobrang aga ko malaman 2-3weeks lang si baby sa tyan ko nalaman ko na nabuntis ako. then yung pt ko is blur parang ganyan then after 1month yun i try again mas visible na, Then i go to my ob to clarify. TransV ginawa sakin pero for your case ultrasound kita na yan
Magbasa paGo to OB, for 4mos kana pala di nagkakaron, kawawa naman si baby kung buntis ka tapos wala kang iniinom na vitamins or mga healthy foods, sayo dapat magmula ang pag aalaga sa baby.. Siguro kaya di nalaki tummy mo or walang pitik na nararamdaman ikaw.. Advice lang sis, kawawa kasi baby mo
ako 11 weeks ko na laman tas sobrang worried ko kasi diabetic ako tas may mga meds akong nainom kasi lage masakit ulo. So far nung na ultrasound active si baby. Sabi skin wag na mag worry and pray lang talaga.. Tiwala sa taas na lalabas at mairaos si baby ng healthy.. 2nd baby na nmin..
Ate piece of advice lang. positive na yang PT mo tapos kna sa first trimester ng pregnancy mo. wla pa rin ikaw check up ano vitamins ng baby mo if ever? maawa ka naman sa knya meron naman health center kung wla ka budget. 1st trimester pinaka importante dyan na de develop baby mo.
God is good