BAHAY NG FAMILY NI HUBBY

Mga Mi, I’d like to know your opinion on this sana. Umuupa lang kami ni Hubby now and may baby na kami, laking Maynila nako eversince pero si hubs laking province. Both parents nya pumunta na ng canada, ngayon, parang ang gusto ng family nya and ni Hubs e kami na ang tumira sa lumang bahay nila sa probinsya. My issue is ayoko talaga Mi e 🥹. Hindi pa man kami kasal sinabi ko na sa kanya na ayoko tumira sa province. Pero napagtalunan pa rin namin kahit kasal na kami. Gets ko naman na makakatipid nga kami kasi wala na babayaran na upa. Pero wala akong say sa bahay na yun Miii, I know I can’t decide for that house dahil sa parents nya yun. Gusto ko sana yung masasabi kong amin talaga. Di ko naman hinahangad ang mabilan nya kami ng baby namin ng sariling bahay agad. Nag iipon pa talaga kami pero alam mo yun kahit na umuupa lang kami now, ako ang may control sa mga gusto ko ilagay sa bahay, decorate, declutter etc. Si Hubs ramdam ko yung sepanx nya sa bahay nila na yun kasi dun sya lumaki, pero may sariling family na kami e 🥹 Napagusapan na ulit namin ito at sabi ni Hubby hindi na nya ulit i-brought up, pero may mga paside comments pa rin sya na parang dapat ako maguilty. Pati parents nya may pasabi na “dun na kayo tumira”, natatameme nalang ako di ko alam sasabihin. HAAAY I WANT TO KNOW YOUR POINT OF VIEW PLEASE. Am I being selfish? 🥹 Pumayag na lang ba ako? 🥹

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I get your point mi. You want to have your own house with the touch of yours. Maganda nga yun kasi you guys really want to have something for your fam. And sabi mo nga iniipon nyo po ung funds for that "dream house". at dahil nga nag iipon kayo priority mo din is makatipid. so why not grab the chance to live with your in laws house for the meantime until maipon nyo ung funds for that dream house. Then once available na ung funds, then go push na lumipat sa dream house nyo. In that case, nakatipid ka na to save for your family's dream house + napagbigyan mo rin si hubby mo. It's a win-win situation din naman. Try mo din ievaluate sarili mo once na tumira kayo sa province. Ano ba dahilan bakit ayaw mo tumira dun aside sa gusto mo ng sariling inyo? Is it the enivronment (w/c is mas fresh pa ang hangin kesa sa urban area)? Then once nakatira ka na dun for like a a month, re evaluate mo ulit sarili mo. Ano ung mga naging pros and cons nung tumira na kayo sa rural area. Then you can talk to your husband about those things. lahat naman nadadaan sa magandang usapan, kailangan lang din natin intindihin ang mga bagay bagay. Hope you get my point mi, May God bless you!

Magbasa pa

Praktikal na po ngayon imbes na ipambayad nyo sa upa de ipunin nyo na. Sayo na po nanggaling nasa abroad na in-laws mo di mo naman sila makakasama palagi at sa sinasabi mong wala kang say sa bahay since makikitira lang kayo kasama na talaga yun na kung ano aabutan mo dun de pagtiisan mo ngayon if want mo may baguhin ipagpaalam mo ng maayos para masatisfy mo sarili mo sa wala kang say na sinasabi mo. Sorry to say pero oo selfish ka sa part na ayaw mo tumira dun dahil sa mababaw na dahilan. Ayaw mo yun madali kayo makakaipon. Akala ko pa naman ang issue mo eh nasa city ang work mo kaya ayaw mo sa province.

Magbasa pa

Parang ok naman momsh tumira kayo don for now para mas makaipon ng mas mabilis for your own house. Maganda nga po kung solo lang talaga kayo ng fam niyo dun kasi nabanggit niyo nasa abroad ang mga dating nakatira na parents ni hubby mo. I see no problem po don kasi di magiging issue yung 2 kings and 2 queens in one roof. Yun lang naman po ang mahirap sa pagtira sa hindi niyo sariling bahay pero mukhang di niyo magiging problem sa setup niyo ngayon. Isa pa, mukhang pinagkakatiwalaan kayo ng parents niya sa bahay and gusto nila makatulong sa pagiipon ninyo and paggrow ng sarili niyong fam. ✨

Magbasa pa

Wala naman masama kung dun kayo tumira, sinabi mo naman po na wala dun ang mga in-laws mo. Wala naman siguro makikielam sa inyo. Tama naman si hubby mo na mas makakatipid kayo, at mas makakaipon kayo para makapagpatayo ng talagang sarili nyong bahay nun kasi wala kayo babayarang renta ng bahay. Share ko lang yung experience ko, nagrent din kami ng hubby ko ng house dati, pero pinabalik ako ng parents ko sa bahay. Wag na raw kami umupa para mas makaipon kami, at totoo naman nakaipon kami. Kaya eto, at the age of 24 at 23 naman si hubby, may sarili na kaming bahay.

Magbasa pa
2y ago

Thank you mga Miii!! Sobrang helpful ng mga opinions nyo sa magulo kong pag iisip ngayon 😅 I appreciate you all 🤍

sabi mo nga mommy, nag-iipon kayo para sa future house. mas madali mag-ipon mi kung walang rent na binabayaran. wala naman pala kayong kasama sa bahay nila. ako nga nakatira kami ni hubby sa parents nya kahit 1yr na kaming kasal. kahit gustong gusto kong bumukod na inisip ko nalang na mas makaka ipon kami ngayon na nandito muna kami sa in laws ko kesa magrent kami. time will come magkakaron din kami ng sarili naming bahay hopefully next year ❤️

Magbasa pa

well kung maging praktikal ka?? para makatipid grab da house.kz wala kna bbyadan ilaw tbg nalang.isa pa baka near future sainio ndn mpnta un bahay dahil sabi mo nasa canada parents ng hub mo.nasanay kz tau sa city... kaya ganyan tau. aq dn naiisip q gnyan pero bti nalang city talaga kmi nktra dto sa manila wala kz kami bahay sa prbnsya gnun dn ang ptner ko. pero thankfull dahil nakabli kmi ng bahay at lupa.

Magbasa pa

I think the best way para makaipon po kayo agad para sa future house nyo ay tumira muna dun para ung pera na pang rent nyo jan sa Manila - nailalaan na lang sa ipon para magkabahay kayo ng sarili. Make sure lang na malinaw itong goal na to sa asawa mo na titira lang kayo dun para makaipon kayo agad. Nagiging common problem kasi ung ganitong scenario sa mag-asawa kapag hindi napag-uusapan ng masinsinan.

Magbasa pa

For me mas magandang tirhan nyo na po, kung may gusto kayong design na ipagawa sa bahay, better na ireserve nyo nalang po muna yon para sa sarili nyong bahay in the future. Para sakin lang po parang hindi strong valid ang reason ninyo kung ganun lang. Tiis tiis lang po, mas makakaipon pa kayo pag di na kayo nagbabayad ng rent at maidadagdag pa yun sa pampagawa nyong bahay in the future.

Magbasa pa

kung wala naman na po dun nakatira, mas ok po na dun nalang kayo, less expenses po. saka wla nmn n po cguro mkikialam if what gusto mo mangyri s bahay kung dun kayo titira, baka mas maappreciate p nga ng in-laws mo if mapaganda nyo yung house. saka mommy, pag di tinitirhan ang bahay mas madaling maluma at masira. sayang naman. marami naghahangad magkaron ng bahay. 😊

Magbasa pa

mas ok po na for the mean time dun muna kayo tumara habang nag iipon pa kayo para sa sarili nyong bahay .. mas makakatipid naman po tlga mahal po mag upa ngayon.. ung ibabayad nyo sa upa ipunin nyo nlng sa para bahay nyo db.. mas mdami pa kayo maiipon habang dun kayo nakatira. and pag sapat na ipon nyo at may nagawa n kayo na bahay tska kayo lumipat🙂

Magbasa pa