I need your opinion mommies!

My husband and I were living together even before we got married. We live with his parents. Okay lang naman sa parents nya kasi malaki yung house nila, 2 floor with 4 rooms and 2 bathrooms. And wala silang anak na babae so welcome ako. Never akong nakarinig ng kahit ano mula sa mga in laws ko. Sobrang bait nila. Now that we are married and have a child, I told my husband that I want to move out once kaya na namin. He said yes pero I know na hesitant sya kasi the house next to where we are living in right now is theirs as well and his parents decided to renovate it para mas lumaki pa yung space. Gusto ng asawa ko na dito lang kami kasi may space naman kaming sarili (room lang but other spaces here are shared like bathroom, kitchen, etc). Wala naman akong reklamo pero para kasi sa akin iba pa rin yung may lugar ka na sariling pundar diba. Hindi ko naman sya minamadali, sabi ko naman sa kanya in the future kapag may capacity na kami, kakaresign ko lang din kasi from work kasi wala mag aalaga sa anak namin. Tapos sya ang nagastos sa lahat. Pero naghahanap ako ng homebased job. Sana makahanap. Pero parang ang basa ko kasi sa kanya kahit may ipon na kami ayaw pa din nya umalis dito sa bahay ng parents nya eh. Saka sabi din nya aanhin ko daw yung kabilang bahay kung lilipat kami? Eh hindi naman yun pinapagawa para sa amin, pinapagawa yun para sa parents nya. Saka sabi din nya ayaw nya mahiwalay sa mga kapatid nya (2 lalaki kapatid nya). Ano bang dapat kong gawin mga mommy? Dapat ba sundin ko si hubby na dito na lang kami since may separate na bahay na naman kapag nagawa yung kabilang bahay (pero katabi pa din ng parents ny) o dapat ipush ko na lumipat kami?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung magkakaron naman din po kayo ng sariling space nyo, jan na lang po kayo. Baka po gusto ng hubby nyo mabantayan ang parents nya. Like me, nakatira kami sa house ng parents ko though sa amin ang 1 floor dahil 3 floors bahay namin pero share din sa kitchen same as your situation. Meron bahay nabili hubby ko kaso sa cavite which is not accessible unlike sa manila. Gusto ko din makapagsarili na kami pero nag aalala pa din ako sa parents kahit na kapitbahay namin mga relatives namin. Baka po ganun din ang husband nyo.

Magbasa pa
6y ago

I understand you point mommy, siguro ganun nga din sya. Thank you po sa advice 😊

VIP Member

Leave and cleave po ang sabi ni lord. So dapat si husband po natin as head ng pamilya ay ipagpray po natin mga momshie, na matutuhan ang leave and cleave po, dahil un po ang mas makabubuti sa binuo natin po pqmilya,

6y ago

Oo nga po eh, yun din po ang stand ko mommy. Gagawin ko po yan mommy, thank you sa advice 😊