Pag abot ng pangarap

Ang sarap siguro kung pareho kayo ng asawa mo na inaabot ang pangarap nyo. Ako, pangarap ko lang, magkaron ng sariling bahay at lupa. Yung matatawag kong akin. Kung saan lalaki ang mga anak ko. Only child si hubby. Yung bahay na tinitirhan nila ngayon, bahay talaga ng tita nya na nasa japan. May maliit na bahay na nabili mother nya, pero pinapaupahan nila yun. Dito pala kami nakikitira din ngayon.. sa bahay nga ng tita nya. Sinasabi sa kanya dati na sa kanya ipapamana ng tita nya to. Di ako kumbinsido kasi may mga anak din tita though nasa japan. Gusto ko, bumili kami ng sariling bahay. Kaso, parang wala akong suporta na nakukuha sa kanya. Nakakabili sya ng Worth 100k na laptop, 80-90k na cp. Pero pag property na, parang dami nyang dahilan. Kung ccombine namin pera namin, malaki laki na.. saka mag asawa kami (kasal). Di ko alam, bakit parang alangan sya.. naisip ko tuloy, umaasa ba sya na ipapamana talaga sa kanya tong bahay? Or yung bahay na maliit na nabili ang parents nya? Gusto ko talaga na sa sariling sikap namin magkarok kami ng property. Naiinggit ako sa mga kakilala ko na may sariling property na, katuwang mga partner nila.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mi alam mo wag mo na antayin asawa mo,bumili ka na ng property gamit sarili mong pera at sayo mo na lang ipangalan or sa anak mo. Lagi mong iisipin yung salitang "Just in case" kaya kung gusto mo tlga ng house and lot,gora mo na basta kaya mo.

1y ago

sinusubukan ko po. nag iipon ako ngayon pang down sa house and lot na pwede ko bilhin kahit maliit lang. pero may dream house talaga ako, (yung design ng camella house ๐Ÿ˜…). yung ganun.. kaso, di ko kaya mag isa bilhin from my sahod. ang kaya ko lang eh yung maliit na bahay๐Ÿ˜ž. pero sabi ko sa sarili, okay na yun kesa sa wala..