Bahay ng Family ni Hubby

Mga Mi, I’d like to know your opinion on this sana. Umuupa lang kami ni Hubby now and may baby na kami, laking Maynila nako eversince pero si hubs laking province. Both parents nya pumunta na ng canada, ngayon, parang ang gusto ng family nya and ni Hubs e kami na ang tumira sa lumang bahay nila sa probinsya. My issue is ayoko talaga Mi e 🥹. Hindi pa man kami kasal sinabi ko na sa kanya na ayoko tumira sa province. Pero napagtalunan pa rin namin kahit kasal na kami. Gets ko naman na makakatipid nga kami kasi wala na babayaran na upa. Pero wala akong say sa bahay na yun Miii, I know I can’t decide for that house dahil sa parents nya yun. Gusto ko sana yung masasabi kong amin talaga. Di ko naman hinahangad ang mabilan nya kami ng baby namin ng sariling bahay agad. Nag iipon pa talaga kami pero alam mo yun kahit na umuupa lang kami now, ako ang may control sa mga gusto ko ilagay sa bahay, decorate, declutter etc. Si Hubs ramdam ko yung sepanx nya sa bahay nila na yun kasi dun sya lumaki, pero may sariling family na kami e 🥹 Napagusapan na ulit namin ito at sabi ni Hubby hindi na nya ulit i-brought up, pero may mga paside comments pa rin sya na parang dapat ako maguilty. Pati parents nya may pasabi na “dun na kayo tumira”, natatameme nalang ako di ko alam sasabihin. HAAAY I WANT TO KNOW YOUR POINT OF VIEW PLEASE. Am I being selfish? 🥹 Pumayag na lang ba ako? 🥹

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Kung napagusapan niyo na yan before kayo kinasal bakit need pa maging issue kay husband mo. Dalawa lang naiisip ko solution dyan. 1. Stand your ground. Since napagusapan niyo na yan before marriage at nagkaroon na kayo ng decision before bakit babaguhin ngayon? 2. Sacrifice a little. Give it a try a month or two, if di mo bet, balik ulit ng manila.

Magbasa pa