What should i do?

Mga FTM and Mummies pls help me to decide sa sitwasyon ko. 38 weeks & 2days today, okay naman pag sassma namin ng asawa ko napaka respinsable nya namang asawa lahat ng daily needs ko and for baby needs nabibigay nya naman ng maayos mabait sya wala akong masabi sa ugali nya as in nakakathankful talaga kasi sobrang tinong asawa nya. So eto, nakatira kame sa side ng asawa ko 1 storey house lang sya and i think yung size ng bahay is yung family house ng mga camella ganun yung as in maliit lang, isang palapag lang po kasama namin yung parents nya and yung dalawang kapatid nya tas yung anak ng panganay nila. Hindi ko alam kung gusto ko pa ba mag stay dito sa kanila kasi nasisikipan ako gusto ko sana mag sama kame na yun bang makakakilos ng maayos maluwag maginhawa, ako kasi yung tipo ng tao na ayoko ng maingay ayoko ng magulo specially ngayong buntis ako parang mas naging ugali ko pa yung gusto ko tahimik ayoko ng may nasigaw naiyak kasi naiirita ako, wala namang problema sakin kung maliit ang bahay nila kung kasama parents nya ayos lang naman kasi as i respect him naman. Pero kasi yung panganay nyang kapatid nandito parin sa kanila may anak at asawa na lumayas sa kanila reason nya is TRIP NYA LANG DAW so since umalis sya sa asawa nya kasama namin sya dito sa iisang bahay, napakaingay ng ate mabunganga sigaw dito sigaw dun, mahilig pa mag parinig. Yung asawa ko kasi pang night shift syempre puyat gusto kong makapag pahinga ng maayos para naman komportable sya sa ag pasok hindi puyat, yung anak ng kapatid ng asawa ko napaka ingay napaka ligalig hindi man lang masaway ng nanay hindi dinidisiplina alam namang nag papahinga yung kapatid nya, hindi nalang ako naimik nananahimik ako pero napupuno na din ako sa ugali ng kapatid nyang panganay hindi naman siguro masama ugali ko na gusto ko tahimik lang sa bahay kasi yung asawa ko naman nag papahinga. Balak ko sana umalis dito sa bahay ng asawa ko which is sa kanya naman na (sa asawa ko yung bahay) gusto ko separated kame sa family nya kasi lahat ng kilos ko may nasasabi, lahat napapansin specially physical appreance ko since buntis ako tumaba talaga ako which is normal sa buntis. What should i do mga mummies & ftm should i have to adjust na umalis sa bahay mismo ng asawa ko or tiisin nalang na makisama sa kapatid nya? pls help me (respect post)

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa pagaasawa po kailangan po talaga ang nakabukod. Para mas may peace at laya kayo na gawin ung gs2 nyo gawin. Ung bayaw ko sa kanya nakapangalan ung house na tinitirhan ng parents niya, pero sa iba sila nakatira. Mahirap talaga makisilong na may ibang pakikisamahan sa loob ng bahay. Kausapin mo asawa mo, since both of u are starting ur own family, either mag rent kayo, kumuha ng bagong house or magdecide xa na iresolve ung family issues niya. Same din if sa side mo ikaw titira, pwedeng sa kanya naman ung maging issue. Kaya dapat mas maganda talaga nakabukod. And lastly, pray about it before kayo magusap at anuman ang magiging desisyon.

Magbasa pa
5y ago

Salamat sa advice sis godbless po😇

Not exact scenario with you pero sa bahay ni partner parang ganyan maingay,magulo kaya nagtry ako magstay ng 2.months para makasama si partner kasi buntis nga ako pero diko kinaya un stress kaya umuwi ako samin, at alam niya kung bakit, open.din ako sa.kanya na di ako titira dun after manganak, either sumama sya sakin or magstay sya doon...ayaw ko icompromise ung peace of mind ko para lang magkasama kamo though nalulungkot ako kasi wala sya pero naacept ko na un sa.decision ko,.binibisita nalang niya ako pag maluwag time niya

Magbasa pa
5y ago

Parang magiging ganyan din situation ko sis, kasi im planning to move sa bahay namin which is malaki maluwag tahimik and the good thing is walang masasabi sa mga kilos namin, Waiting lang ako lumabas si baby since on labor ako ngayon uuwi na din ako samin sa part ko lang gusto ko pang makabukod. Ayaw sumama ni hubby okay lang naman sakin uuwo nalang sya pag may time din hehe