39weeks and niresetahan ng evening primrose. Paano po ginagawa niyo pag insert nito?
4 caps po kasi per night sabi sakin, sunod-sunod po ba ang insert or sabay-sabay talaga?? Naloloka po kami ni hubby kasi di namin alam pano gagawin. May mga nababasa pa ako na pini-prick nila before iinsert. Ano po ba ang tamang way?kamusta po ang effect sa inyo? #firsttimemom #firstbaby #FTM #advicepls
Read moreBaby movements? Braxton Hicks?
Hi mommies na due ng October-November. Sino po nakakaranas ng grabeng movement ni baby sa tummy? Yung tipong feel mo na nags-stretching siya sa loob kasi kita sa labas ng tummy yung pag iba ng shape at mejo masakit po pag ganon ang galaw ni baby? First time ko kasi mafeel ganong pain kanina, halatang nag-sstretching si baby sa loob kasi naangat certain areas ng tummy ko, yun nga lang, mejo masakit din talaga sa feeling 🥺😅 ano po ginagawa niyo pag ganon? #firsttimemom #pleasehelp #firstbaby #FTM
Read moreHalf way there! 🤰🏻✨ 20weeks milestone!
Happy 20weeks to all my batchmates! Sana happy and healthy tayo at ang mga babies natin hanggang mareach natin ang EDD natin 🩵🩷✨ Kamusta kayo mga momshies? Tumigil na ba morning sickness niyo? Ramdam niyo na din ba kicks and movements ni baby? 🥰 Alam niyo na din ba gender ng babies niyo? Excited na din ako malaman gender ni baby next month. So far, nakakabawi na ‘ko ng kain kasi mukhang tapos na ang lihi season ko. Super lakas na din kicks ni baby and maya’t maya na siya nafefeel. Payat po talaga ako, 26 lang waistline ko ngayon, dating 22 kaya mas feel ko po kicks ni baby according to my OB. Stay safe and healthy mga momshies!! 🤗✨ #FTM #firstbaby #firsttimemom #20weeks
Read moreMovements ni baby sa tummy 🩵 super active
Sino po dito nakakafeel na sobrang active na ni baby sa tummy? Ako kasi halos di na makatulog kasi ang likot likot niya tapos bigla pang nasipa yung feeling 🤭 nakakagulat pa din minsan kahit madalas naman niya gawin ‘to kahit sa day time. Aga pa niya manggising. Akala ko matagal pa bago mafeel ‘to pero mukhang ang early samin. Grabe! Masaya kami na super active niya, nakakapuyat lang pala talaga 🤭 #firsttimemom #firstbaby #FTM
Read moreGutom pero parang busog na busog ang feeling during First Trimester. What to do?
Mommies, ano ginagawa niyo pag ganito pakiramdam niyo? Sobrang magutumin kasi ako lately pero yung tiyan ko naman parang punong puno pa din ng pagkain or water ang feeling. Hindi naman gaano madami nakakain ko kasi nga pakiramdam ko ay bloated and ang weird sa pakiramdam lalo pag nakaupo at pag hihiga. Paano po ba dapat? #firsttimemom #FTM #firstbaby #advicepls #bloated #bloating
Read moreHello mommies! Paki-share naman yung mga must-have baby essentials na ok bilhin ng mga FTM?
Ano po yung mga most important and least important. And kelan po kaya ang best time magstart bumili. Para lang po may idea kaming mga first time moms na bibili din ng mga gamit for the baby soon. Baka may tips and reviews din po kayo na pwede ishare. And if may mga gamit kayo na pinagsisihin ninyong bilhin, etc. Thank you momshies! #FTM #firstbaby #firsttimemom #babyessentials #babystuff
Read moreCurious lang po. Possible ba talaga na husband natin ang maglihi?
Like siya po yung sinisikmura at nagsusuka? Or nagc-crave din sa food na gusto natin. Tapos nagiging antukin at matamlay. Possible and true ba yon mga momsh? May mga nakaexperience na po ba dito ng ganon? Survey lang hehe Nagtataka kasi kami bakit si hubby ko yung parang nakakaexperience ng paglilihi at hindi ako 🤭 #firstbaby #FTM
Read moreMay mga soon-to-be moms po ba dito na dati pang may Lactose Intolerance?
Paano po kaya pag ganon? Diba po may mga milk and meds for moms na iniinom? Hindi po kaya magkulang sa nutrition si baby if ganito ang situation ni mommy? Mejo worried lang po kasi first pregnancy po namin ito and di naman po nat-treat ang lactose intolerance. May mga marerecommend po ba kayong alternative and other practices to ensure na nabibigay natin ang tamang nutrition for the baby habang nasa tummy pa siya? Thank you po 💕 #advicepls #firstmom #firsttimemom #FTM #firstbaby #lactoseintolerance #lactose
Read moreKelan po best time to visit an OB for Ultrasound or Blood test to confirm pregnancy?
Feb 5: First attempt po namin ni hubby to conceive. 2 weeks after that positive PT result today. What to do next po? Kailan po ba dapat magpa-checkup, blood test and ultrasound to confirm pregnancy and kung ilang weeks na pregnant? One time lang po kami nagtry ni hubby. Gusto po sana namin maka-sure if accurate result ng PT today. Irregular din po kasi talaga ako ever since kaya naguguluhan po ako pagcount. First baby din po namin ito if ever. Sana po masagot ninyo inquiry ko. Thanks po #pleasehelp #firsttimemom #FTM #firstbaby
Read more