BAHAY NG FAMILY NI HUBBY

Mga Mi, I’d like to know your opinion on this sana. Umuupa lang kami ni Hubby now and may baby na kami, laking Maynila nako eversince pero si hubs laking province. Both parents nya pumunta na ng canada, ngayon, parang ang gusto ng family nya and ni Hubs e kami na ang tumira sa lumang bahay nila sa probinsya. My issue is ayoko talaga Mi e 🥹. Hindi pa man kami kasal sinabi ko na sa kanya na ayoko tumira sa province. Pero napagtalunan pa rin namin kahit kasal na kami. Gets ko naman na makakatipid nga kami kasi wala na babayaran na upa. Pero wala akong say sa bahay na yun Miii, I know I can’t decide for that house dahil sa parents nya yun. Gusto ko sana yung masasabi kong amin talaga. Di ko naman hinahangad ang mabilan nya kami ng baby namin ng sariling bahay agad. Nag iipon pa talaga kami pero alam mo yun kahit na umuupa lang kami now, ako ang may control sa mga gusto ko ilagay sa bahay, decorate, declutter etc. Si Hubs ramdam ko yung sepanx nya sa bahay nila na yun kasi dun sya lumaki, pero may sariling family na kami e 🥹 Napagusapan na ulit namin ito at sabi ni Hubby hindi na nya ulit i-brought up, pero may mga paside comments pa rin sya na parang dapat ako maguilty. Pati parents nya may pasabi na “dun na kayo tumira”, natatameme nalang ako di ko alam sasabihin. HAAAY I WANT TO KNOW YOUR POINT OF VIEW PLEASE. Am I being selfish? 🥹 Pumayag na lang ba ako? 🥹

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wala naman prob kung doon kayo mag ipon muna kayo habang andun at walang mangingi alam sayo kaso nasa canada naman sila. Grabe naman yun kung pati decoration at declutter mo paki.alaman nila kahit malayo sila. Be grateful and think of positive thoughts and reasons instead of negative. Masarap ang buhay sa province lalo pa kasama mo hubby and si baby.

Magbasa pa

Hmmm ano ba talaga underlying reason bakit ayaw mo sa probinsya? It's kinda ironic to think kasi na you want to save for your future house yet you want to stay in Manila and continue to rent which is another expense lang. Why not make use of what you have right now to build your goals for the future? 🤔

Magbasa pa

Yes, I agree sa mga sinasabi nila na better tumira na muna kayo duon momsh, since wala naman nakatira duon. Habang nakatira kayo duon, yung matitipid niyo sa upa ay idagdag niyo sa iniipon niyong pampabahay. Saka maganda sa province momsh, Malaki matitipid mo duon, mas mura ang bilihin compared sa city. 😊

Magbasa pa

Kung pagiging praktical mamsh grab the house na, as long as kayo lng ni hubby mo andon keri na un tutal wla naman ung mga inlaws mo un makakarelax ka rin.. saka mas makakaipon kayo don. Kasi no need na magbayad ng upa saka maganda rin naman sa probinsya tumira mas tipid tlaga kesa maynila

well i think ok nman po kung dun muna kayo tumira pansamantala lng nman po hbang nag iipon p ... wla k nman po ata mgging prob. s inlaws mo kc malau nman cla tsaka practical n din po mi lalot my anak n kayo mas mabilis po kayong mkkapag ipon 💜

Yes, subukan neo tumira dun at mas masaya para sa bata ang lumaki sa probinsya. Sakanila man un pero later mamanahin din ng asawa mo. At family house din un dapat may tumira

Kung wala ka naman pong source of income or work dito sa Manila, might as well na iconsider mo din tumira pansamantala sa province. Malay mo magustuhan mo din soon. 😊

Thank you mga Miii!! Sobrang helpful ng mga opinions nyo sa magulo kong pag iisip ngayon 😅 I appreciate you all 🤍🤍