sagutan

Masisisi nyo po ba ko kung nasasagot ko minsan byenan ko super na po kasi ang sabi nya. Wag ko daw sundin asawa ko gawin ko daw gusto ko gawin w/c is hindi tama for me. Ganyan din sinabi nya sa asawa ko. Paano ko nalaman!? Lahat ng pinag uusapan nila sinasabi ng asawa ko sakin open kami ng asawa sa ganyang bagay. Now sino susundin namin sila? Pinagbigyan ko sila ng 1year. Mula pagbubuntis ko Nanganak ako Binyag at bday ng anak ko. Sila lahat na sunod kasi ayaw ko ng gulo pero momsh kaloko ginigising ko asawa ko nakita nya ko ang sabi sakin.. Huy! Bakit mo ginigising yan! Sagot ko. Papasok pa po yan nag txt manager nya maaga sya pinapapasok may audit daw po sila.. (Alam nya po yung audit dahil nagwowork rin sya) Wag ko daw gisingin hayaan ko daw yung manager! What!!? Eh si hubby mismo nagsabi sakin na baka matuloy audit nila gisingin ko sya kapag may nagtxt na maaga sya papasok. Eh di si byenan eh g na g. Pinapatay ko daw anak nya.. Hala sya ! Eto pa.. Nag mall kami dahil 1month walang rest day asawa ko wala po kasi silang kapalitan at sya narin po nagrequest nun tutal wala po kami dito sa bahay nasa province kami wala daw syang gagawin dito sa bahay if mag rd sya. Umuwi kami nagrequest agad si hubby ng rd pinayagan sya at nag mall kami kasi gusto nya malibot kami lalo na anak namin. G na g nanaman si byenan kasi magastos daw ako pasosyal!? Kung makikilala nyo po ako. Ni isang alahas wala kayong makikita sakin Sa damit kapag may occasion lang ako nabili ng bago may limit pa hahah dapat d lalagpas ng 300 hahaha. Shoes hahahah sirang sira na shoes or sandals ko bago ako bumili. Lahat yan alam ng asawa ko kasi praktikal akong tao kahit nung dalaga pa ko may pagka kuripot ako lalo na nung nagka anak ako hahah. Now. Nainis ako kasi gabi nun naglalaro baby ko.(10months na po baby ko) hyper si baby hahaha. Bumisita si byenan g na g nanamn kasi nakita nya nagluluto si hubby ( nagluto po si hubby kasi may natikman sya sa work nya na masarap na ulam dala manager nya tinanong daw nya kung paano iluto ayun dahil sahod naman daw ipagluluto nya ko ng ganun) Dami satsat ni byenan kaya nag init ulo ko sabi ko. Masama po ba na asikasuhin ako ng asawa ko!? Ayaw mo bang nakikitang hindi kami nag aaway masaya kami? Sabagay ikaw na nga nagsabi gagawin mo lahat mapaghiwalay lang kami ng anak mo! Sorry ho aah.pero sinagot na kayo ng anak mo na hindi nya kayang masira ang pamilyang binuo nya gusto mo makuha anak mo!? Ayan oh ilagay mo sa saya mo ibalik mo sa sinapupunan mo ng matigil na yang bunganga mo na araw araw nalang nakakarindi na po..sana maging masaya nalang po kayo hindi para samin mag asawa para sa apo mo na may kumpleto at masayang pamilya! Shock! Si hubby at byenan 1st time po yun punong puno na po ako alam ni hubby kung ano dinanas ko sa mga kamay ng pamilya nya kaya hindi nya rin ako masisi sa nagawa ko pero napagsabihan nya ko. Alam ko may mali ako pero hindi po ako perpekto na lahat nalang parang wala lang.. Sabi ni byenan. Bastos daw talaga ako masama ugali ko. Sagot ko. Sino ba nagsabi na mabait ako ako pa mismo nagsabi sa asawa ko na masama ugali ko at hindi ko rerespituhin ang taong hindi naman karesperespeto! Ayun pinauwi na po nya mother nya..pinapasok nya ko sa kwarto. Malapit lang po kasi bahay namin sa bahay ng parents nya. Kaya ayun pabalik balik sa bahay na akala mo ceo ng kumpanya kung mkatingin sa kasulusulkan ng bahay namin na konting nabili mo para umayos bahay namin dami nya sinasabi..tapos nag online bussiness ako imbis na matuwa eh lalo nagalit at panay labas ko daw may lalake daw ako. Hahahah meet up po ginagawa ko..

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

E kung ayan ang naging biyenan ko di talaga ako makakapagtimpi. Alam din ng asawa ko na may pagkamaldita ako. Pero nasa lugar naman. Lumalaban talaga ako pag alam kong naaapi o nadedehado ako. Ganun po ako. Ayun awa ng Diyos sa loob ng 5 taon na makasal kami di ko pa naranasan yung ganyang eksena. Mapagbigay at matulungin mga biyenan ko e. Love love talaga nila mga apo nila. Though di kami close sa isa't isa. Civil talk lang talaga kami. Father-in-law ko di rin naman masyadong palaimik. Bayaw ko di ko rin nakakausap. Hipag bilang lang sa daliri. Tapos malayo pa bahay namin sa kanila. Mga 3 sakay mula bahay namin hanggang sa kanila.

Magbasa pa