sagutan

Masisisi nyo po ba ko kung nasasagot ko minsan byenan ko super na po kasi ang sabi nya. Wag ko daw sundin asawa ko gawin ko daw gusto ko gawin w/c is hindi tama for me. Ganyan din sinabi nya sa asawa ko. Paano ko nalaman!? Lahat ng pinag uusapan nila sinasabi ng asawa ko sakin open kami ng asawa sa ganyang bagay. Now sino susundin namin sila? Pinagbigyan ko sila ng 1year. Mula pagbubuntis ko Nanganak ako Binyag at bday ng anak ko. Sila lahat na sunod kasi ayaw ko ng gulo pero momsh kaloko ginigising ko asawa ko nakita nya ko ang sabi sakin.. Huy! Bakit mo ginigising yan! Sagot ko. Papasok pa po yan nag txt manager nya maaga sya pinapapasok may audit daw po sila.. (Alam nya po yung audit dahil nagwowork rin sya) Wag ko daw gisingin hayaan ko daw yung manager! What!!? Eh si hubby mismo nagsabi sakin na baka matuloy audit nila gisingin ko sya kapag may nagtxt na maaga sya papasok. Eh di si byenan eh g na g. Pinapatay ko daw anak nya.. Hala sya ! Eto pa.. Nag mall kami dahil 1month walang rest day asawa ko wala po kasi silang kapalitan at sya narin po nagrequest nun tutal wala po kami dito sa bahay nasa province kami wala daw syang gagawin dito sa bahay if mag rd sya. Umuwi kami nagrequest agad si hubby ng rd pinayagan sya at nag mall kami kasi gusto nya malibot kami lalo na anak namin. G na g nanaman si byenan kasi magastos daw ako pasosyal!? Kung makikilala nyo po ako. Ni isang alahas wala kayong makikita sakin Sa damit kapag may occasion lang ako nabili ng bago may limit pa hahah dapat d lalagpas ng 300 hahaha. Shoes hahahah sirang sira na shoes or sandals ko bago ako bumili. Lahat yan alam ng asawa ko kasi praktikal akong tao kahit nung dalaga pa ko may pagka kuripot ako lalo na nung nagka anak ako hahah. Now. Nainis ako kasi gabi nun naglalaro baby ko.(10months na po baby ko) hyper si baby hahaha. Bumisita si byenan g na g nanamn kasi nakita nya nagluluto si hubby ( nagluto po si hubby kasi may natikman sya sa work nya na masarap na ulam dala manager nya tinanong daw nya kung paano iluto ayun dahil sahod naman daw ipagluluto nya ko ng ganun) Dami satsat ni byenan kaya nag init ulo ko sabi ko. Masama po ba na asikasuhin ako ng asawa ko!? Ayaw mo bang nakikitang hindi kami nag aaway masaya kami? Sabagay ikaw na nga nagsabi gagawin mo lahat mapaghiwalay lang kami ng anak mo! Sorry ho aah.pero sinagot na kayo ng anak mo na hindi nya kayang masira ang pamilyang binuo nya gusto mo makuha anak mo!? Ayan oh ilagay mo sa saya mo ibalik mo sa sinapupunan mo ng matigil na yang bunganga mo na araw araw nalang nakakarindi na po..sana maging masaya nalang po kayo hindi para samin mag asawa para sa apo mo na may kumpleto at masayang pamilya! Shock! Si hubby at byenan 1st time po yun punong puno na po ako alam ni hubby kung ano dinanas ko sa mga kamay ng pamilya nya kaya hindi nya rin ako masisi sa nagawa ko pero napagsabihan nya ko. Alam ko may mali ako pero hindi po ako perpekto na lahat nalang parang wala lang.. Sabi ni byenan. Bastos daw talaga ako masama ugali ko. Sagot ko. Sino ba nagsabi na mabait ako ako pa mismo nagsabi sa asawa ko na masama ugali ko at hindi ko rerespituhin ang taong hindi naman karesperespeto! Ayun pinauwi na po nya mother nya..pinapasok nya ko sa kwarto. Malapit lang po kasi bahay namin sa bahay ng parents nya. Kaya ayun pabalik balik sa bahay na akala mo ceo ng kumpanya kung mkatingin sa kasulusulkan ng bahay namin na konting nabili mo para umayos bahay namin dami nya sinasabi..tapos nag online bussiness ako imbis na matuwa eh lalo nagalit at panay labas ko daw may lalake daw ako. Hahahah meet up po ginagawa ko..

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naku momi mas malala ung samin ng MIL ko. Talagang nasagot ko sia at namura ng pagka lutong lutong. Alam ko mali ako dun pero tlagang nagdilim paningin ko sa sobrang galet na pati sarili ko d ko nkilala nung time na un. Ipahiya ba nman nia ako sa madla ng dahil lang sa hotdog. Juscolored. nkiref kami ng hotdog dat time tas sabi ni lip un nalang ulamin nmin ng dinner madame pa daw kc at dalawang pack pa un ilang pirasa lang ung bawas. So ngaun pg check ko halos paubos na ung dalawang pack so sabi ko sa lip ko kala ko madame pa bat ilang piraso nlang andun. Tinawagan nia mama nia dahil nasa work sia tas inask nia bat ganun ok lang nman sana kukuha cla pero dat cnasabe din samin kc para sa mga bata ung hotdog ei tho nkiref lang kami pero respeto nadin sana ba. eto ngaun ngwala ang lola nio at tamang nasa labas ako nun ngsasampay cnigaw sigawan niaku tas iyak2 pa sia eh andaming tao sobrang hiya ko nun pumasok ako sa loob ng bahay na nangi2nig. Tas un na dumating c lip at dun ng start ang murahan. Pero never ako ng sisi na namura ko sia, ewan masama din tlaga ako minsan. Aha

Magbasa pa
4y ago

Minsan po kasi need natin ipakita sa kanila na may hangganan din tayo ako po sinubsob ko hipag ko sobrang pakielamera ipagkalat ba naman na hindi anak ng kuya nya( ni hubby) yung anak ko

E kung ayan ang naging biyenan ko di talaga ako makakapagtimpi. Alam din ng asawa ko na may pagkamaldita ako. Pero nasa lugar naman. Lumalaban talaga ako pag alam kong naaapi o nadedehado ako. Ganun po ako. Ayun awa ng Diyos sa loob ng 5 taon na makasal kami di ko pa naranasan yung ganyang eksena. Mapagbigay at matulungin mga biyenan ko e. Love love talaga nila mga apo nila. Though di kami close sa isa't isa. Civil talk lang talaga kami. Father-in-law ko di rin naman masyadong palaimik. Bayaw ko di ko rin nakakausap. Hipag bilang lang sa daliri. Tapos malayo pa bahay namin sa kanila. Mga 3 sakay mula bahay namin hanggang sa kanila.

Magbasa pa

Kayo ba ay umuupa o sa inyo ang bahay? Kasi kung umuupa lang naman kayo mas madaling sumibat at lumipat. Kung ako sayo gayahin mo set up namin. Ilang sakay bago makarating sa bahay namin o bahay nila. Kaysa yung ganyan na magkalapit lang masisilip at masisilip talaga kayo. Syempre pupunta at pupunta yang biyenan mo dahil sa anak nila (asawa mo) at apo nila. Di maiwasan yon. Pag malayo tamarin bumisita yan lalo kung wala naman silang sariling sasakyan. Biyenan ko di rin palaging pumupunta dito samin. Pag may ibibigay lang na kung ano o susunduin mga apo nila para doon magovernight. Kasi ilang traffic din pagdadaanan.

Magbasa pa
4y ago

Samin po yung bahay may lote kasi sila dito

VIP Member

Hanggat maaari ndi po natin cla dapat patulan bagkus po tau gumawa nlng ng way na lumayo sa knla pra d nlng po magkaron ng iringan kc prang pinapatulan narin po natin ung mismong magulang natin... Masama din ugali ng byenan q lalo na iisang bahay lang kami at madami din sya gnawa na di maganda sa pamilya nmin pero never q sya pinatulan kc po un pangaral skin ng mama q kaya tyaga nlng gnawa q ung dq na kaya bumalik nlng kami sa puder ng mama q at naging maaus kami ng asawa q🙏🏻😊😊😊

Magbasa pa
4y ago

kaloka ka, charm 🤣 kung ganun kadali yan gawin, e di sana di sya nagrant pa dito about sa byenan from hell nya hahaha

Kahit po gaano ka kapasensyosang tao kung ganyan ang makakaaalamuha mo, darating ka rin sa hangganan. Di lahat ng nangyayari sa buhay nyo ng asawa mo dapat sya makialam. Oo, dapat irespeto sila pero dapat alam din nila hangganan nila sa pagbibigay ng opinyon. Kung ayaw nya sayo, sorry sya kasi anak nya yung may gusto sayo. Hindi sya ang dapat mo pakisamahan. Kaya for me, it's not your fault if nasagot mo sya. Importante alam nya na di ka nya basta basta masisindak.

Magbasa pa

Kmi d kmi close ni byenan . kaya d ako pumupunta sa knila ayaw ko mag sagutan kmi . kaya sense nabuntis ako . d talaga ako yumapak sa bahay nil si lip umouwi sa knila . minsan daw tinatanung ako . 😂 pero sapat na sa akin yung narinig ko na d ako matatanggap kahit itong pinag bubuntis ko .. Kya mas gustohin ko magpag isa . kaysa mki halubilo sa knila .

Magbasa pa

Hindi ko rin kayo masisi mamsh based sa kwento mo. Hindi nmn sila titigil hanggat di nakakahanap ng katapat. Pero feeling ko mas lalong nanggigil si biyenan. Hayaan nio nlng po siya dedma lang pag dumating hehe.

Hindi sya busy mommy, ikaw nalang daw babantayan nya 😂 mas maganda cguro kung lumayo nalang kayo. Nakakairita yung ganyan, kahit matanda mwwalan ka nang gana galangin. Mapupuno at mapupuno ka tlga.

Hahah.. ganyan din ang biyanan kong hilaw.. hahaha pero si partner ayaw kami ipakita ni baby sa knya.. kasi alam nya na ayaw sa amin inunahan nia na nanay nya at baka masagot nya lng dw

Momshie lipat kau ng bahay na malau sa byenan. Hindi talaga advisable na magkalapit ang inlaws. Mangingialam at mangingialam. Pero sobra byenan mo masasagot mo talaga