Naisipan mo na bang iwan ang iyong kasalukuyang partner? (No judgement!)
Naisipan mo na bang iwan ang iyong kasalukuyang partner? (No judgement!)
Voice your Opinion
Oo.
Hindi

5536 responses

83 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

dati po pag nag aaway kmi lagi syang nag tatangkang umalis tpos lagi nyang cnasabi sakin na kya nyang mabuhay khit wala ako....nagawa nga daw nyang hindi mag gf ng 3 years ngayon pa kya..pag gnu sinusuyo ko na sya nun tpos katakot takot na pag iyak ang gnagawa ko pra lng wag syang umalis...ksi first bf ko sya tpos nag sama kmi....minsan kinakausap ko yung sarili ko bkit kaylangan kong maranasan yung gnito....lahat nman bnigay ko lahat nman gnawa ko nag sakripisyo din nman ako....tpos sa isang iglap gnun lng maririnig ko sa kanya na kaya nya....gusto ko sabhin sa kanya yung mga yun ang kso mas pinipili ko na lng sabhin sa sarili ko....naiisip ko tuloy...buti kpa kya mo...ehh ako wala akong gnun. khit paulit ulit kong sabhin nuon sa sarili ko na dapat kyanin ko rin...ksi ako rin yung magiging kwawa. wala ehh gnun tlaga cguro pag mahal mo...pro mula nitong taon nlaman ko na buntis nko nung nag away kmi last march this year....ako pa nag sasabi sa kanya na umuwi na sya sa tatay nya at jaya kong itaguyod mag isa ang magiging anak ko....at sinisigurado ko sa kanya na hindi ko sya uubligahin...basta hindi sya mkikilaka ng anak ko khit kaylan...ewan ko ba ang gaan na lng sa pkiramdam na sabhin yun sa kanya parang "ahh ayaw mona ok sige uwe sa tatay mo chu!!" prang gnun😂😆

Magbasa pa

Oo cause he cheated on me. I just found out recently. Cinonfront ko na sya, actually tinapos ko na. Kaso nagkasama pa kami ulit kasi hindi maganda timing sa kanya, selfish lang di ba pero I understand kaya pumayag ako. So nasira plano kong pag-alis agad sa kanila. Nung nagkasama kami ( dahil mahal ko pa, lumambot ako 🤦‍♀️) I asked again kung sure na sure na sya na yung babae talaga piliin nya, ayaw nya muna pag-usapan. Ngayon tuloy nagpapakatanga na naman ako at umaasa. Oo o hindi lang naman di pa nya sagutin tanong ko. Habang naghihintay ako sa kanya, cold na kami sa isa't isa. Kahit gusto ko magpakasweet di ko magawa dahil di nya naman ito susuklian. Tapos sila syempre nag-iiloveyouhan kaya duda na kong may ilalaban pa ko. I wish I'm stronger na kapag wala na, wala na. Ngayon titignan ko na lang magiging ending kapag nag-usap na kami ulit. At tanggapin ano desisyon nya. Okay lang sakin kahit ano. If kami piliin nya e di happy happy esp kay baby, if not then move on na. Basta maging ama pa rin sya sa anak nya, wag idaan sa pera. At gusto ko na lang itatak sa isip ko na LIFE IS TOO SHORT para sayangin oras ko magmukmok, makipag-away. Anytime pwede akong kunin ni Lord kaya I wanna enjoy my life na lang with my son.

Magbasa pa
2y ago

ako naisip ko to na iwanan ang lip ko dahil sa mga reason na minsan di kuna kinakaya sumabay pa depression ko na ako nalang nakaka intindi sa sarili ko na never manalang ako intindihin kaya minsan kuna naisip ang bagay nato pero sa awa ni god ito parin kami magkasama at makaka baby ulit

ACTUALLY ANG DAMI KONG BESES NA GUSTONG MAKIPAGHIWALAY SA PARTNER KO, ALAM KO MARAMI ANG MANGHUHUSGA SAAKIN. Kami na and I found out na meron pala syang ASAWA at ANAK. So ako, AYOKO maging kabet. Pero wala eh, balik sya ng balik saakin. Umaayaw ako, pero nandiyan pa din sya. Ang hirap! Mahal ko yong tao pero PINIPILIT ko siyang itulak palayo, masakit ipagtulakan ang taong Mahal mo lalo na at hindi mo naman gusto. GALIT AKO SA GINAWA NYA, GINAWA NYA AKONG KABET NG WALANG KAALAM-ALAM, SIYA yong taong KAUNA-UNAHANG MINAHAL KO NG GANITO THEN GANITO LANG YONG MANGYAYARI. Pinagpatuloy namin, until now hindi ko na alam. NABUNTIS ako, at PINIPILIT ko pa ding makipag hiwalay peroooooo ewan ko. Naasar ako sa sarili ko, magmamahal na nga lang ako. Don pa sa maling tao. Pero hindi ko alam kung okay sila ng ASAWA nya kase before nya ako maging girlfriend, nalaman ko na may mga babae na siyang nakasama or nakilala. Tanga ako alam ko. Sobra sobrang nagsisisi ako. Pero huli na. We have our baby na. Hindi ko na alam kung paano ko ito lulusutan. Nakikita ko na nagsisisi din ang boyfriend ko, pero yong Baby namin ang kailanman hindi ko pagsisisihan. Aantayin ko lang na lumabas anak ko, at TATAPUSIN ko na ng tuluyan LAHAT ng ito. 😔

Magbasa pa
3y ago

my kailangan mo na po tapusin ang sainyo kahit masakit kasi hindi ka nya ni respeto bilang babae at yung asawa nya. Kung nagawa nya yan sa asawa nya pano pa sayo. At may right din malaman ng asawa nya na niloloko sya, as a girl narin. I save mo asawa nya kasi baka kahit wala na kayo nong lalaki at hindi nalaman ng asawa nya gagawin naman nya sa ibang babae yun kasi hindi pa sya na huhuli sa pangbabae nya.

yes dahil sa mga magulang na. Mama nya pakialamera,plastik, chismosa, lakas magpa rinig. Nong sinabi ko sa kanya pinaparinggan ako ng mama nya ayaw nya maniwala kasi hindi daw ganon mga magulang nya. Kaya gusto ko talaga umalis sa kanila,pero minsan naawa ako sa kanya kasi ang dami nyang problema pagod rin sa trabaho nya at ang mukhang magpapasaya lang sa kanya kapag andito ako pag uwi at papalabis naming baby. Pero nagtitimpi lang talaga ako ngayon ,kasi kapag may mag tri-trigger talaga ng galit ko lalayas talaga ako sa ayaw at sa gusto man nila. Wala na akong paki kung ano sasabihin nila baka mabaliw pa ako kung sakanila pa ako mag ii stay.

Magbasa pa

Oo minsan nkkaisip ako ng pg give up kc kht sobrang bait ng partner mo kung kulang nman lgi sa financial lging kulang gutom ang pamilya mo stress p s mga byanan mo..Lahat na lng kht sobrang pagod nya galing sa work.. Pag dating uunahin at uunahin pa din nya ang parents nya bago kming pamilya nya.. Ngtiiis lng ako pra sa mga ank nmin magging apat n ank nmin peo until now kasma pa rin nmin mga parents nya Ilang beses ko n syng kinausap n bumukod n kmi Rason nyay saan ako kukuha kht pang renta ng bahy mahirap pa... Yung tipong d kayang manindigan pra sa amin Malamang pag d ko na mkatiis magawa ko tlga sya iwanan..

Magbasa pa

naisip ko sya iwan dito sa bahay nila gustung gusto ko na kasi talaga bumukod or umuwi nalang sa family ko kaso hindi kami pwede umalis dahil senior na mama nya kaso nahihirapan naman ako sa treatment ng mama nya samin. so,oo, naisipan ko na iwan sya hindi dahil sa hindi ko sya mahal kundi dahil hirap kalooban ko sa mama nya. para kong mababaliw dito sa bahay pero no doubt naman, mahal namin isat isa naisip ko lang maghiwalay kami tirahan dahil di rin sya pwede bumukod kasama namin, hindi pwede maiwan mama nya na senior.

Magbasa pa

Not a Partner legal na asawa ko siya at gusto ko siyang iwan dahil niloko niya ako 😭hinde ko alam ang gagawin ko kasal kami at ayaw kong maging separada pero kung magstay naman ako araw araw kung mararamdaman ang ginawa niya 😭 at sira narin ang tiwala ko sa kanya pati respeto although gusto niyang ayosin at nagsosorry siya sa ginawa niya! Pero d ganun kadali tanggapin! Hinde ko na alam kung magiging masaya paba ako sa piling niya.

Magbasa pa

oo dati iniwan q sya nung isa palng anak namin kc lasinggero at iresponsable.,pero npag isip isip qna mali pla ginawa q dpat pla tiisin m kng anu man ang ugali n merun sya dhil sya ang pinili m n magiging tatay ng mga anak m.at nsa atin lng naman ng mga nanay kng pano ntin dalhin ng maayos at buo ang ating pamilya at hndi lgi nag,aaway.ako po kc mahaba ang pacensya q at ayaw q po lumaki ang mga anak q n walng tatay.

Magbasa pa
3y ago

kanya kanya tau choices mamsh and i salute you for your decision. mahirap ung ganyan pero you stay because you think of your fam. stay strong mamsh

VIP Member

Yes naisipan ko na iwan at makipaghiwalay sa partner ko specially he cheated on me many many times .. yes mostly sa chat sa iba ibang girl at may time din nakipagkita cya sa iba buti wala naman nakatalik na iba .. but then the last time na halos ayaw ko na talaga .. he said babawi cya at aayusin nya ang lahat .. and he did .. glad i gave him a chance.. mahal na mahal ko eh buti worth it .. 🥰🥰🥰

Magbasa pa

oo siguro dahil mas inuuna pa nyang ipangsugal yung kinikita nya sa pagttricycle nya kesa pandagdag ng ipon namin which is wala pang ipon dahil sagutin daw muna kami ng mother ko sa ngayon para makapagipon daw kami para sa baby namin which is wala pa talaga kaming ipon 36weeks nako mahigit